TAPOS NA ang isyu. Ayaw na nga pagusapanni Ella Cruz ang tungkol sa akusasyon sa kanya na hindi diumano maganda ang ugali ng star ng pelikulang “Fan Girl/ Fan Boy” na launching movie nila ng ka-love team na si Julian Trono na mula sa Viva Films.
Isyu yun noong Miss Manila na naganap noong June.
Totoo ba na ayaw ni Ella may kasama sa dressing room nito? Gusto ng dalaga na siya lang at solo niya ang naturang dressing room?
Sa social media account ng dating beauty queen na si Ganiel Krishnan (na isang ABS-CBN Sports courtside reporter), nag-post ito ng isang blind item tungkol sa isang karanasan niya na may isang artist na diumanon ay ayaw siyang maka-share sa isang dressing room.
Sa katunayan, sa naturang blind item, pinaghihinalaang ang naturang artista na tinutukoy ng dating beauty queen ay si Sarah Geronimo (na malamang mali dahil sa estado ni Pop Princess, dapat solo siya nsa dressing room). Pinaghinalaan din na it’s either Yassi Pressman, Nadine Lustre or Sarah Labahati pero nilinaw na hindi sangkot ng mga nabanggit.
Nakapagtataka lang, bakit ang pangalan ni Ella ay hindi pa rinmalinis-linis sa isyu? Siya pa rin ang salarin na na ayaw magkaroon ng ka-share sa dressing room.
Nilinaw ng “Dance Princess” ang issue once and for all para matapos na ang hinala ng mga netizens sa kanya na siya ang tinutukoy ng naturang B.I.
Sa naganap na presscon ng movie nila ni Julian, nagpaliwanag siya sa ilang mga naiwanang media na naroroon at isa na nga rin ang napaliwanagan ni Ella.
Paliwanag niya sa isyu: “Hindi ko siya nakita that time, and yung dressing room, yung roon namin, sobrang dami namin dun. Pero ako naman, dinedma ko yung Twitter post (ni Ganiel) na lumabas.
“I mean, di ako sumagot na when people are saying na ako yun. Kasi dun sa mga sinabi niyang mga pangalan na hindi sila, ako lang ang hindi nabanggit. I know naman na she will reveal na hindi ako yun, kasi hindi naman po talaga ako yun,” paliwanag ni Ella at depensa sa isyu.
Dahil sa samu’t saring opinion ngt mga netizens ay kahit papaano ay naapektuhan si “Fan Girl”.
Sabi pa ni Ella: “”Na-bother ako nun, kasi hindi nga ako yun. At saka, kaya ko pong i-explain kung ano ang dressing room ko, ang hitsura ng dressing room ko, kasi sobrang dami nga namin nun.”
Dagdag pa ng dalaga: “After a week, ay nag-tweet na rin siya na, ‘Hindi yun si Ella, she’ so sweet,’ ganyan-ganyan. Ako naman sabi ko, ‘Thank you.”
After na lumabas ang pagliliwan ni Ganiel na hindi si Ella ang tinutukoy ng naturang blind item ay nagpasalamat siya: “Thank you dahil na-clear niya ako.”
Ngayon everything is clear ay kampante na si Ella. Abswelto na siya sa blind item.
Just wondering kung bakit lumaki ang isyu gayong walang isyu at katsipan naman kung pagtutuunan mo ng pansin.
Super react na lang basta-basta gayong lahat ay puro pag-aakala?
Mas interesting na pagusapan ang pelikula ng dalaga na showing na sa September 6 sa direksyon ng bagong direktor sa pelikula na si Barry Gonzales.
KAPAG isang Sarah Geronimo starrer ang isang pelikula, expected na kumikita ito sa takilya. Wala ako maalala na sumemplang kahit isa man sa mga pelikula ng Pop Princess mula nang pasukin niya ang showbiz sa larangan ng pag-arte.
No doubt, as a singer, palaging mayroon siyang hit song. Sa pelikula,...
MADAMI ang nagulat na sa edad ni Piolo Pascual na in 10 years time, he is turning 60 years old. Pero ang pangangatawan ng aktor ay very fit at hunk pa rin na perfect lang na siya ang patuloy na endorser ng Sun Life para sa kanilang SunPIOLOGY sporting...
IS IT TRUE na may personalan na isyu sa pagitan ng dalawang production outfit na nangangarap na ang pelikula nila ay mapasama sa final list ng pelikula sa Metro Manila Film Festival 2019?
Ang tinutukoy ko ay ang pelikulang ‘Culion’ na nagpaandar na ng kanilang “comeback movie” diumano ni John...
NAGSIMULA NA last October 3, Thursday ang Busan International Film Festival and Asian Film Market sa Busan, South Korea na magtatagal until October 12.
Kaya nakaka-proud na ang mga local films natin ay dala-dala ng mga local producers and actors natin sa isa sa pinaka-sikat na film industry event sa...
SUPER LIKE ko ang short hair ni Ria Atayde. Palagi ko kasi siya nakikita na kung hindi shoulder length ang buhok niya, mas mahaba pa below her balikat.
Mas bumata si Ria. Mas refreshing. Bagay na bagay sa dalaga na until now, she doesn’t want to confirm nor deny ang...
NAG-VIRAL ang balita na balik-pelikula muli si John Lloyd Cruz after nito mag-pahinga sandali sa showbiz. Syempre, ang mga fans ng aktor ay excited.
Maging ako, nang makita ko sa social media last night, Monday September 30 ang picture ng aktor na screen grab mula sa isang eksena ng pelikula...
MAY RAP MUSIC pa pala. Kaya nga nang malaman ko na ang rap artist na si Khen Magat ay seryoso na buhayin muli ang klase ng musika or genre na pinasikat nina Francis Magalona at Andrew E ay natuwa ako.
Mayroon ilan kasi na mga local rapper(s) na gusto ko...
YES, nakakahawa ang halakhak ng guwapong si Manolo Pedrosa sa picture niya sa social media.
Yong tawa na alam mo na masayang masaya ang young aktor lalo pa’t keber at wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga netizens na sa tawa niya, kita ang ngala-ngala niya.
Kapag masaya ka, wala ka...
BONGGA ang nine million views na na-achieve ng pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love ni Direk Jason Paul Laxamana na ipapakabas na sa darating na Wednesday, October 2 sa mga sinehan nationwide.
Ang bilis ng pagtaas ng mga views mula nang i-upload ng Regal Films ang teailer ng pelikula na...