MUKHANG BUHAY na naman ang walang kamatayan na rivalry nina Nora Aunor at Vilma Santos sa darating na SPEEDS, Inc. 1st EDDYS Award na magaganap sa Kia Theater sa darating na Sunday, July 9.
Yes, ang dalawang aktres na noon pa’y pinagsasabong ng kani-kanilang fans (during the late ’70 pa yata noon) ay magka-kumpetensiya sa Best Actress award.
Si Nora, nominado sa pelikulang “Tuos” at si Vilma naman ay sa “Everything About Her”.
Not to forget na sa kategoryang Best Actress ay nominado rin sina Hasmine Killip para sa “Pamilya Ordinaryo”; Jaclyn Jose for “Ma’ Rosa”; Rhian Ramos para sa “Saving Sally”; Charo Santos for “Ang Babaeng Humayo” at si Ai Ai delas Alas para sa pelikulang “Area”.
Nabanggit sa amin ng talent coordinator for the nominees na si Glenn Regondola na darating sa awards night si Ate Guy habang si Ate Vi naman ay out of the country.
Sa tingin nyo, kanino mapupunta ang EDDYS award for Best Actress? Kay Ate Guy ba or kay Ate Vi?
Who knows, tatahi-tahimik lang sina Hasmine at Rhian sa labanan pero baka isa sa kanilang dalawa ang winner.
Ang SPEED (Society of Entertainment Editors, Inc.,) ay samahan ng mga entertainment editors (broadsheets and tabloid) na kinaibilangan nina: Isah Red of The Manila Standard; Eugene Asis of People’s Journal; Jojo Panaligan of The Manila Bulletin; Ian Farinas of People’s Tonight; Salve Asis of Pilipino Star Ngayon/Pang Masa; Gie Trillana of Malaya Business Insight; Dondon Sermino of Abante; Tessa Mauricio-Arriola of The Manila Times; Dindo Balares of Balita; Dinah Ventura of The Daily Tribune; Rito Asilo of Philippine Daily Inquirer; Ervin Santiago of Bandera; Maricris Nicasio of Hataw; Jerry Olea of Abante Tonite; Rohn Romulo of People’s Balita and adviser Nestor Cuartero.
The awards is the group’s way of encouraging Filipino filmmakers, producers, writers, actors and other allied artists in the Philippine movie industry to continue pursuing their passion of creating films that mirror the realities of our society.
Reyted K
By RK Villacorta