NAAAWA KAMI sa mga hate tweets and comments na natatanggap ngayon ng ‘Jacqueline Comes Home’ lead stars na sina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome.
Hindi na uso ang mga massacre movies na naging trend noong early 90’s kaya marami ang nagtataka kung bakit bigla na lang nagkaroon ng pelikulang Jacqueline Comes Home na hango sa malagim na sinapit ng Chiong sisters ng Cebu na sina Marijoy at Jacqueline, that were portrayed by Donnalyn and Meg respectively.
Kahit trailer pa lang ang ipinalabas noon ay naging mainit na usapan na ito sa internet. Marami ang nagsasabi na i-boycott ang pelikula dahil napanood nila ang documentary film na ‘Give Up Tomorrow’, which aired the side of Paco Larranaga and the rest of the Chiong 7.
Hindi pa namin napapanood ang pelikula at wala kaming ideya kung talagang naging biased nga ba ang unang pelikula ni Ysabelle Peach Caparas o hindi. Whether oo o hindi man ang sagot, naaawa kami kina Meg at Donnalyn dahil nakakastress naman talagang magbasa ng hate messages when all you did is do your job as a professional actress.
Sa kanyang IG story/tweet, Meg says: “Ang hindi ko maintindihan sa inyo sa “research” na ‘yan at pinapaulit niyo. Ilang beses po ba dapat sabihin sa inyo na we’ve done our research?And kung tinanggap namin ang film bakit kami ang binabatikos ninyo? Tanggihan man namin yan o hindi, meron at meron pa rin kukunin na artista na gaganap dyan. Bakit ang artista ang binabash ninyo rather than the justice system that you’re so into? Why not the government if you want change? Or action regarding that matter? Why us? Do you think sa ginagawa niyo may naitulong kayo para kay Paco? Kami ba na mga artista ang nagpakulong? At may kakayanan magpalaya para sa kanya? If you think you guys know everything, then go to the court and open the case.
“Kailan niyo lang ba nalaman about the case? Hindi ba when you saw the trailer? Unless you guys were there at isa kayo sa nakakaalam ng truth. Then if not who are you to judge the people behind the film? Especially kami ni Donnalyn? Ang concern niyo sa case instead makabuti nakakasama. Ang sinasabi ninyong hindi fair sa justice system ginagawa niyo sa amin. Kami ba ang pumatay? Bakit kung makapanghamak kayo parang kami ang dapat makulong? Bakit kung makapagsalita kayo parang kilala niyo na kami simula’t sapul? Oo! Freedom of speech pero alamin nyo sinasabi nyo. Hindi yung sumasabay lang sa hype ng topic. Kaya ang daming nagsusuicide because of cyberbullying.”
Pahabol pa niya sa kanyang Tweet: Nakakadepress ang mga pinagsasabi nyo. Pasalamat kayo at strong akong tao and no tendency of suicide but what if…are u gonna cont.?
Sana ay matutunan din ng mga netizens na maging responsible at huwag puro bintang lang ang ginagawa.
May sarili rin paliwanag si Donnalyn sa mga cyberbullies at ipopost din namin soon.
For Meg and Donnalyn, just stay strong.