WE HEARD, latter part of June this year, uumpisahan ang shooting ng unang pelikulang pagtatambalan nina Piolo Pascual at Kris Aquino na may titulong “Undo” na ang magdi-direk ay si Chito Roño.
Masayang ibinalita ito ni Kris sa kanyang morning show na KrisTV at nagpasalamat pa ito kay Direk Chito dahil sa paghihintay raw nito sa kanyang schedule, kaya hinintay rin daw ng TV host-actress ang direktor.
Sa ngayon kasi, tinatapos pa ni Direk Chito ang shooting ng “Healing” na pinakabagong pelikula naman ng Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto kasama sina Janice de Belen, Pokwang at Kim Chiu na ipapalabas na yata sa mga sinehan bandang July.
Akala namin ay another horror film ang latest movie ni Kris with Papa P, pero drama pala ito, ayon sa aming source.
MATAPOS ANG buena manong concert ni Lady Gaga sa SM Mall of Asia Arena nitong Lunes ng gabi at kagabi, magkakaroon ang naturang venue ng grand launch on June 16 sa pamamagitan ng pinakamalaking Original Pilipino Music o OPM concert na isa ring high-tech concert ever sa bansa, dahil magkakaroon daw ito ng video mapping and use of mo-con and virtual set, according to Eloisa Matias na naatasan ng ABS-CBN na mangasiwa ng event.
Ang title ng event ay Icons at the Arena (Masters of OPM), kung saan mapapanood sina Lea Salonga, Martin Nievera, Arnel Pineda, Basil Valdez, Jose Mari Chan, Freddie Aguilar, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, and Gary Valenciano.
Ilan pa sa performers ay ang The Company, Bamboo, Juris, Christian Bautista, Erik Santos, at Piolo Pascual.
Nililigawan pa raw nila ang dalawang sikat ng komedyante na nakapagpapuno ng Big Dome para sa isang comedy number. Sina Jose Manalo at Wally Bayola kaya ang mga ito?
It will be hosted by another OPM icon Jim Paredes and Pops Fernandez.
Maestro Ryan Cayabyab conducts and will arrange everything, while Johnny Manahan aka Mr. M directs the biggest show, dagdag pa ni Eloisa.
Ipakikilala naman ang ABS-CBN orchestra sa gabi ng palabas.
Napag-alaman namin na dapat daw sana ay kasama si Charice sa nasabing big event, pero is it true na masyadong mataas ang hinihinging talent fee diumano ng kampo ng international singing sensation na hindi raw yata kinaya ng mga produ, kaya hindi na ito isinama sa lineup of performers?
NATUWA KAMI kay Erik Santos dahil nang makausap namin ito tungkol kay Jessica Sanchez sa birthday party ni Jun Lalin, sinabi nito sa amin na hinihikayat n’ya raw ang lahat ng kanyang mga kaibigan at supporters, lalo na sa Amerika na patuloy nilang suportahan at iboto ang 16-year-old half-Pinoy-half-Mexican contestant sa American Idol season 11 finale para mas lumaki pa ang tsansa nito na manalo sa nasabing reality-TV and interactive singing competition.
Hindi raw pinalalampas ni Erik na mapanood ang performance ni Jessica sa AI every Thursday dito sa atin, gayo’n din ang elimination night nito every Friday.
SUCCESSFUL ANG three-day event ng Barangay Bel-Air na Pasinaya 2012 na ginanap sa covered court ng Bel-Air Village sa Makati City last May 4, 5 and 6 na 12 years nang ginagawa ng mga residente ro’n sa pangunguna ng Travel Time host na si Susan Calo-Medina na s’yang creative director ng event katuwang ang kilalang stage director at writer na si Floy Quintos, gano’n din ang kanilang grasyosang kapitana na si Constancia “Nene” Lichauco, at mga kagawad at festival committee.
Kinagabihan nu’ng unang araw ng pasinaya ay nagbigay kaligayahan si Jericho Rosales sa mga residente ng Bel-Air Village, lalo na sa kanilang mga kasambahay dahil para talaga sa mga masisipag at mapagkakatiwalaan nilang kasambahay ang gabing iyon.
Sobrang dami ng activities ang hinanda ng mga organizer nu’ng ikalawang araw, mula 7 a.m. hanggang 11 p.m., kasama ang walang kupas na performance ng grupong The Company.
Nagkaroon din ng animal show with Kuya Kim Atienza nu’ng ikatlo at huling araw, kung saan kumanta rin si Bituin Escalante. May pa-bingo rin si Mayor Binay.
Ayon pa kay Kapitana Nene, ang Pasinaya ay hindi lamang para sa mga residente ng kanilang village, ito raw ay para sa lahat ng mga tao mula sa iba’t ibang parte ng Metro Manila.
Ang ibig daw sabihin ng Pasinaya ay thanksgiving. Kaya sa Barangay Bel-Air, congratulations!
Franz 2 U
by Francis Simeon