MUNTIK na pala matsugi si Alessandra de Rossi sa shooting niya ng pelikulang Through Night & Day nang mag-shooting sila sa napakalamig na Iceland na bagong pelikula ni Alex (palayaw ng aktres) kung saan dumayo sila nina Paolo Contis at Direk Ronnie Velasco sa istorya na siya ang sumulat at nagrodyus for Viva Films.
Ang kinukunan na eksena ay sa isang hot spring lagoon na dahil sa sobrang lamig ay hindi makahinga ang aktres.
Sa temperature na less than 10 degrees, sobrang lamig nga talaga ito para sa ating mga Pinoy na hindi nasanay sa malalamig na klima.
Kuwento ng aktres sa kanyang karanasan nang magka-hypothermia siya: “Akala ko parang manginginig ka lang, tapos mamamatay ka, hindi pala ganun.”
Si Paolo naman ay may karanasan din na hindi niya malilimutan sa location nila sa Iceland (nag-shooting din sila sa Baguio City).
Bukod sa patung-patong na ang mga damit na suot mo to keep you warm, isa ang Iceland sa mga destination na napakamahal.
“High standard of living sila. Hindi pwede sa mga budget travelers,” kuwento ni Paolo.
Dahil on a strict diet ang aktor, he prefers to eat bananas (yes, saging) na sabi ni Paolo ay napakamahal.
Dahil sa lamig ng klima, imbes na ilagay sa refrigerator ang binili niyang saging, inilagay ni Paolo ito sa labas ng bintana sa tinitirhan nilang quarters habang nagso-shooting sila na sa pagbalik niya ay oks na oks ang “natural refrigeration” ng saging niya.
Sa pagbabalik ni Paolo after shooting ay hinayang na hinayang ang aktor dahil nangitim ang saging niya.
Dahil sa kamahalan ng binili niyang saging, pinagtiyagaan rin niya kainin ang saging na almost frozen na at mangitim-ngitim na.
Sa darating na Wednesday, November 14 ay mapapanood natin ang ilan sa mga tourist spots ng Iceland.
Reyted K
By RK Villacorta