NOONG una natin silang nasilayan sa Eat Bulaga bilang Alden at Yaya Dub sa Kaleserye noong 2015, lahat tayo ay naaliw sa kanilang pakilig pa more at pagtuturo sa mga viewers ng kagandahang asal. Kung maaalala ninyo, ang pagiging marespeto nina Yaya dub at Alden sa tatlong lola ang naging hudyat para lalong mahalin ng publiko ang phenomenal loveteam na ito.
Just a few weeks ago, ginulantang ni Alden Richards ang online world dahil sa pagpayag nito na gampanan ang papel bilang Boni Ilagan sa GMA News Special na Alaala, na isang martial law special. Marami ang namangha sa binata dahil tinanggap niya ang proyekto, na considered na very risky lalo na’t political ito. Ayon kay Alden, wala naman siyang pinapanigan na kampo. Madalas kasi ay iwas ang mga malalaking artista sa mga ganitong klaseng project para ma-please ang lahat ng audience. Alden took a risk and a lot of people loved him for it. Some may not agree, but it only shows his professionalism as an actor.
Kahapon naman ay naging trending sa social media ang #SalamatMaine dahil sa pagsalungat nito kay Joey de Leon in a respectful manner. Nasabi kasi ng veteran Eat Bulaga host na ang depression ay “gawa gawa lang”. Kung ibang mas batang host iyon, mag-agree lang ‘yun sa mas nakakatanda o hahayaan na lamang niya ito. What Maine did is she said na depression is a real issue na hindi dapat dinadaan lang sa biro. Ang kailangan ay moral support ang ibigay, na sinuportahan naman ni Alden. Hindi pa rin nagpapigil si Joey de Leon sa kanyang mga patutsada to the point na na-cut na lang ang signal ng kampo nina Maine at sinubukan ng maigi ni Allan K na ilihis ang usapin by mentioning other jokes.
Dahil sa nangyari, buong hapon, gabi at kahit ngayong umaga ay trending pa rin ang mga pangalan nila Joey De Leon at Maine Mendoza.
Kung two years ago ay minahal natin ang AlDub dahil mga Filipino values ang kanilang naituro sa atin, hindi ba’t mas kamahal-mahal sila ngayon for standing up against Martial Law and Depression? Sana ang management team ng dalawa ay mas magfocus na rin to do socially relevant movie projects para sa ikabubuti hindi lang ng happiness ng mga fans kundi para magpalaganap ng magandang asal.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club