DAHIL SA MATAAS NA CHOLESTEROL: Pia Wurtzbach, may health advice sa mga tao

MADALAS, wala sa panlabas na anyo ng isang tao ang kanyang health condition. Puwedeng mukhang fit and healthy ka physically, pero may health worries na nag-uumpisa nang magparamdam habang ikaw ay tumatanda.

Ito ang dahilan kung bakit ikinagulat ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ang kanyang recent discovery patungkol sa kanyang kalusugan: Mataas pala ang kanyang cholesterol level!

Pia Wurtzbach

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories ay ibinahagi ng beauty queen ang kanyang nadiskubre bago pa ito sumabak sa kanyang morning routine.

“Starting the day with a good workout. Akalain mo ‘yun, mataas daw ang cholesterol ko. Kaya ito, double time sa pagseseryoso. Kahit naman anong itsura mo sa panlabas e kung mataas [ang] cholesterol mo, paano na?”

Dahil sa kanyang nadiskubre, mas focused na ito ngayon sa pagme-maintain ng isang healthy lifestyle.

“I learned that consistency is the key sa pagiging healthy. Hindi phases, hindi taas-baba. Dapat lifestyle na talaga siya. At hindi ‘pag nakatingin lang si kuya, LOL, kaya ko ‘to.”

Kuwento ni Pia, noong nakaraang taon pa raw siya nakakaranas ng pamimilipit ng tiyan sa tuwing umiinom ng kape na may gatas. ‘Yun pala, lactose intolerant din siya.

Nanghihinayang ang dalaga dahil mahilig pa man din ito sa mga dairy products lalo na sa cheese.

“But, oh well, kung ayaw na ng katawan mo, gano’n talaga haha…”

May health advise din ito sa mga madlang pipol na tulad niya ay lactose intolerant din.

“Lactase enzyme, ‘yun ang i-google niyo, guys. Kapag uminom kayo ng gano’n at sinabay niyo do’n sa dairy products, ma-eenjoy niyo ulit. Makakakain kayo ulit no’n. So ayun ‘yung ginagawa ko, meron lang akong tine-take na extra supplement.

“Tapos, aside from that, I still eat the food that I love to eat kasi hindi ko na matatanggal ‘yon. Nagsisipag na lang ako maging active nang consistently, na hindi lang tuwing alam kong magsu-swimsuit ako.”

“I’m sharing this to let you guys know na minsan, wala talaga sa panlabas na itsura ‘yung kalagayan ng katawan mo.

“Listen to your body, make the necessary changes, and your health will improve. Some [of] these challenges are reversible.” pagtatapos nito.

Previous articleThings You Didn’t Know About Lee Hyeri of ‘My Roommate is a Gumiho’
Next articleLiza Soberano, nagsalita na tungkol sa pambabatikos sa kanyang voice acting para sa ‘Trese’

No posts to display