KULANG NA lang ay isinuka ng isang mataas na paaralan somewhere in the Rizal Province ang young actor na ito for denying — in an interview — that he graduated from that school.
Pinalabas kasi ng heartthrob na ito na sa mas kilalang branch siya ng eskuwelahan sa San Juan siya nagtapos. Natural, ikinadismaya ng pamunuan ng institusyong ‘yon ang pagdedenay ng aktor, dahil ba natatagpuan ‘yon sa lalawigan ng Rizal, samantalang de kalidad din naman ang edukasyon doon?
Because this matinee idol is, of course, pursuing his college studies ay sa kung saan-saang reputable universities siya kumuha ng entrance examination. Nariyan daw ang Unibersidad ng Pilipinas (UP), DLSU at Ateneo de Manila University.
Sadly, lagpak sa pagsusulit ang bagets. But time was fast ticking, kinailangan na raw mag-enrol ang young actor kung kaya’t binalikan niya ang pinagradweytan niyang high school in Rizal — which he earlier denied having graduated from — in securing the necessary requirements tulad ng certificate of good moral character para makapag-enrol sa ibang unibersidad.
The young actor obtained what he needed, bumagsak siya sa isang sister college ng isang tanyag na university somewhere in Manila, but it has a reputation of being the “dumping ground” of the wealthy yet average students.
Entonces, ang huling halakhak ay nasa school administration ng paaralan sa Rizal Province kung saan nagtapos ng hayskul ang batang aktor. “Dedenay-denay siya na rito siya sa amin gumradweyt, pero rito rin pala siya hihingi ng saklolo dahil bagsak siya sa lahat ng mga entrance exam na pinag-enrol-an niya!”
Sa mga anak ng “mga kababayan ko”, mahalaga ang itinuro sa atin ni Gat Jose Rizal na matuto tayong lumingon sa ating pinanggalingan nang makarating tayo sa ating paroroonan. For sure, the young actor’s father must be turning in his grave.
(By Ronnie Carrasco III)