NAGING VERY EMOTIONAL ang pagsalubong ng mga kapamilya ni Isabel Granada sa kanyang bangkay sa NAIA (Tarmac) nitong Huwebes (Nov. 9). Inilipad si Isabel mula sa Doha, Qatar pagkatapos nitong bawian ng buhay doon due to eneurysm.
Sakay Philippine Airlines PR 685 ay kasabay na dumating ni Isabel ang current husband na si Arnel Cowley at pinsang si Joseph Rivera habang sinalubong naman sila ng anak ni Isa na si Hubert Thomas at ex-husband na si Geryk Genasky Aguas.
Hindi naman naitago ng husband ni Isabel na si Arnel Cowley ang pag-iyak nang dumating si Isabel na nasa loob ng isang casket sa airport.
Pagdating sa airport ay binalutan ng Philippine flag ng Philippine Air Force ang casket ni Isabel. Binigyan din nila ito ng full military honors dahil sa pagsisilbi ng aktres noon as professional pilot for two years na may ranggong second class surgeant.
Ayon kay Arnel, mahihirapan siyang mag-move on dahil sa nangyari sa asawa.
“We did things together, we traveled together… Now that she’s gone, I really don’t know what I’m going to do pero somehow I’m going to try to push through. She was a loving wife, a caring person. She’s always giving time to people and she’s just a people’s person. Very loving…” sambit pa niya.
Kasalukuyang nakalagak ang labi ni Isabel sa Santuario de San Jose Parish sa Greenhills East Village, Mandaluyong.
Ang public viewing ay sa November 10 and November 11 from 10 AM to 5 PMonly. Cremation of Granada’s remains is scheduled on Sunday pagkatapos ng final mass sa Arlington.
La Boka
by Leo Bukas