AS ALWAYS, good sport si Dingdong Dantes, hindi man siya nagwagi as best actor sa dalawang award giving-bodies na naganap recently – ang 28th PMPC Star Awards for Movies at ang 9th Golden Screen Awards.
One week lang ang pagitan ng awards night, ang Star Awards sa Meralco Theater, at ang Golden Screen ay sa Teatrino.
In fact, dumalo pa si Dingdong sa awards night ng EnPress at naging presentor ng Best Picture category.
“I’ve always been a good sport. I believe na if it’s for me, then, it’s for me,” say ni Dingdong, adding na malaking bagay na raw sa kanya ang mapansin ang kanyang trabaho sa pelikula as actor, with consistent nominations.
“Malaking pagpapahalaga na for me ang ma-nominate and I’m very grateful for that,” dagdag niya.
First film din ni Dong ang Segunda Mano as co-producer, kaya espesyal sa kanya ang pelikula, dahil dito siya natuto ng mga “firsts” sa pagpo-produce ng movies with his Agostodos Pictures (dahil August 2 ang birthday niya).
Next in line na movie na tatampukan ni Dingdong this year ay ang Indak (Dance of the Steel Bars) na ang balita namin ay middle of 2012 ang target playdate. Taga-abroad kasi ang co-producers ng pelikula.
Role ni Dingdong dito ay isang dance instructor na mapapagbintangang nakapatay kaya makukulong. Co-directors nito sina Direk Cesar Apolinario (of GMA News) at si Direk Marnie Manicad.
Part ng location ng film ay sa Cebu, kaya first time nating makikita in a local movie ang Cebu dancing inmates na sumasayaw, ewan lang kung kasama si Dingdong sa kanilang “pag-indak”.
Kasama rin sa Indak (Dance of the Steel Bars) ang Hollywood actor na si Patrick Bergin, at ang local actors na sina Ricky Davao, Kathleen Hermosa, Joey Paras, Mon Confiado, Renee Salud, Thou Reyes, at ang US-based actress na si Maila Damian.
May special participation din sa movie si Marian Rivera na labs na labs ni Dong. Hindi “nakaligtas” sa isang Dong-Marian fans club’s fanpage sa Facebook ang photos nina Marian at Dingdong on the set ng shooting, kaya public na rin ito via online.
May isa pang natapos na film si Dong na aabangan ng kanyang fans, ang Aswang Chro-nicles na co-produced niya with Reality Entertainment ni Dondon Monteverde, kung saan kasama niya sa cast sina Joey Marquez, Lovi Poe, among others.
Samantala, napapanood gabi-gabi si Dingdong and Marian sa My Beloved sa GMA, kasama rin sina Jennica Garcia, Carl Guevarra, at Katrina Halili, na dahil buntis ay balitang magpapaalam muna sa serye.
MAY FAMILY emergency raw si Direk Jay Altarejos, kaya siya nagpaalam sa production ng Legacy ng GMA-7, bilang director – hindi raw dahil kay Mike Tan.
Ito ang reply sa amin ng isang taga-GMA Corporate Communications sa text inquiry namin kung totoo bang may kinalaman si Mike Tan, isa sa cast ng Legacy, para mawala si Direk Jay sa nasabing Kapuso teleserye.
“Regarding sa pag-alis ni Direk Jay sa Legacy, may family emergency siya kaya nagpaalam sa production. Wala po kaming info sa issue with Mike Tan. Thanks po,” ang buong text message ng isang GMA publicist.
Nabasa kasi namin sa Twitter: “Ang differences nila ni Mike Tan na may kinalaman sa isang sensitive matter ang diumano‘y dahilan kaya pinalitan si Jay Altarejos.”
Nakakaintriga naman ang chikang ‘yun, lalo na diumano ang “sensitive matter” umano, kaya tinext namin – dalawang beses sa dalawang magkabukod na araw – si Direk Jay mismo, to verify the news.
Pero tahimik si Direk Jay, at walang reply. Hanggang sa itinanggi na nga ito ng Kapuso mismo.
So there.
For your comments, please email us at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro