Dahil sa sinabi ni James Yap sa anak: Kris Aquino, hinding-hindi mapapatawad ang asawa!

“MAGPAKATOTOO NA TAYONG dalawa!”

Isa lamang ito sa mga tinutukang sagot ng Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa kinahantungan ng may limang taong relasyon nila ng asawang si James Yap.

April 26 pa ng kasalukuyang taon nang totoo nang bumigay si Kris sa hindi na nito nakakayanang situwasyon ng kanilang pagsasama, na matagal na nga raw nawalan ng communication.

Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Krissy pagkatapos ng unang salang niya at ng mga kasamang sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang sa hahaliling palabas sa Wowowee na Pilipinas, Win na Win!, hindi na naidetalye ni Krissy ang isyu ng null and void naman ang kasal nila ni James dahil nga hawak na iyon ng kanyang mga abogado.

Inamin naman ni Krissy na bago sila tumungo sa Amerika ng mga anak na sina Joshua at Bimby, kung saan in-enjoy nila ang Disney Cruise from Florida, USA with a side trip sa Bahamas, dalawang oras pala silang nag-usap ni James before they left, dahil gusto nitong makita ang kanilang anak.

What was the straw that broke the camel’s back?

“May sinabi siya sa anak namin, na hindi ko talaga mapapatawad. Dahil nasaktan talaga ako. And for a three-year old na sabihan ng ganoon, I don’t think that is forgivable. Nadadamay ang isang batang dapat na pinoprotektahan. Kaya nasabi ko sa sarili ko na, this is really not the man for me.”

At kung anuman ito, mananatili raw na isang lihim na tanging sila lang ni James ang makakaalam.

KAYA NGA NANG mabanggit daw sa kanya ng isa sa mga Ate niya na balitang nakikipag-date na si James (to a certain Grace Lee), deadma na raw ang Queen of All Media.

“Ang sabi ko lang, good! It’s his right, and we don’t live under the same roof anymore,” nakangiti pang sagot sa amin ni Krissy.

Kaya nga, tinawanan din ni Krissy ang ipinakalat na balitang she’s pregnant. At pati naman daw ang menstrual cycle niya eh, kinalkal pa just to rattle people dahil sa pagdating ng bagong game show niya.

At ang pagkaka-link sa kanya sa mga prominent names like Senator Francis ‘Chiz’ Escudero at Mayor Junjun Binay? “I have no involvement with them. The Binays are family friends. Alam naman ng lahat ‘yan. And if I would remember nga what my Ates said to me apart from washing dirty linens in public, hangga’t maaari raw, p’wede ba in the next six years eh, huwag na muna akong ma-in love. Sinabi ko naman na ita-try ko. And with my two boys, sa kanila pa rin ako mapo-focus now.”

In spite of the fact na aminado ang Queen of All Media na she’s experiencing pa rin separation anxiety attacks, she keeps herself busy sa pagpapa-repaint ng mga rooms nila ng kanyang mga anak sa bahay nila. Dahil kasama pa rin daw niya ang mga ito sa kanyang pagtulog.

When she asked nga raw Josh kung okay lang ba na magkaroon ng boyfriend si Mama in the future, ang sagot sa kanya nito eh, ibigay na sa kanya ang kanilang Range Rover na sasakyan.

Pero ang bunso ang tiyak na magiging bantay-sarado sa kanyang ina. Dahil noong inabutan ng flowers ni Binoe si Krissy sa unang salang nila sa PWNW, si Bimby ang nagsisisisgaw on the sidelines ng “No kiss! No kiss!” At hanggang sa dressing room kung saan namin nakausap nang matagalan si Krissy, ‘yun ang maya’t mayang naririnig sa mga labi ng bata.

NAIKUWENTO NA RIN sa amin ni Krissy ang pelikulang gagawin niya under Star Cinema Productions, na malamang na isali sa darating na Metro Manila Film Festival na may pamagat na Dalaw, kung saan makakasama niya sina Mariel Rodriguez, Diether Ocampo and Coco Martin.

“I was actually backing out na nu’ng sinabi sa akin ni Deo (Endrinal) na they’re pushing with it. Sinabi niya lang sa akin na basahin mo muna ang script. And I fell in love with it!”

Bakit? Ano ba ang istorya?

“Babaeng inapi. At niloko ng asawa. A rich widow na mahal na mahal ‘yung asawa niya. But in the end, may kakaibang twist siya. I can say it’s a pampamilyang istorya.”

Ang theme song kaya ng movie eh, “Should I Stay or Should I Go”?  Though ang naglalarong kanta ngayon sa isip ng Queen of All Media ay ang “It Must Have Been Love”.

And yes, it’s over now!

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleRobin Padilla, Out sa Pilipinas, Win Na Win!
Next articleGerald Anderson, front lang si Kim Chiu!

No posts to display