DAHIL SA SUPORTA NI KUYA GERMS SA KANYA: Ken Chan, dahan-dahan nang nakakamit ang tagumpay!

Ken Chan

HINDI PA RIN pala nakaka-move on si Ken Chan sa death ng kanyang “Tatay”na si German Moreno na namatay last January 2016.

 
Si Kuya Germs kasi ang nagbigay ng biggest break kay Ken nang mag-showbiz siya via the midnight show na “Walang Tulugan”, kung saan frontliner ang binata sa sandamakmak na mga newbies sa showbiz na gustong sumikat at magkapangalan.
 
Kung hindi pa nag-trim down at nagbawas ng members ng “Walang Tulugan” talent show ang Master Showman, ewan ko na lang kung magkakasya sila sa maliit na entablado kapag nagsabay-sabay sila na dumadalo sa show na past midnight ng Saturday.
 
Sa nakaraang birthday ni Kuya Germs last October 4, ay  84 years old na siya kung hindi ito pumanaw.
 
I remember Kuya Germs na tuwing kaarawan niya ay magpapa-birthday party siya sa mga entertainment press.
 
Si Kuya Germs ang nagpapasimula taon-taon na nagpapasimula sa showbiz na mumudmod ng regalo sa mga entertainment writers bilang pamasko.
 
Kumbaga, siya ang Buena Mano.
 
Since pumanaw na ito, tuwing kaarawan niya, imbis i-celebrate ni Ken ang birthday ng isa sa mga “Tatay” niya sa showbiz ay ipinagdarasal na lang niya ito.
 
Kuwento niya during the grand launch ng movie nila ni Barbie Forteza na ”This Time I’ll Be Sweeter” ay malungkot pa rin ang binata. “Until now, kahit ako, malungkot pa din. Yung tipong gusto ko man siyang bisitahin sa puntod niya, hindi ko kaya.
 
“Hindi ko magawa, kasi parang ayoko siyang makita na nandoon.
 
“Hindi pa rin po ako makapaniwala,” kuwento ni Ken.
 
Kung hindi dahil kay Kuya Germs, wala sanang Ken Chan ang showbiz na sa pagpupursige ng isang German Moreno ay baka hindi mararating ang estado niya ngayon.
 
 Pagbabalik-alaala ni Ken sa Showbiz Tatay niya: “Noong nabubuhay pa si Kuya Germs, isang buwan ang itinatakbo ng selebrasyon sa dating show nitong Walang Tulugan With The Mastershowman sa GMA-7,” pagse-share ng binata.
 
Sa katunayan, ang mahaba-haba na rin ang in ilakbay ni Ken sa showbiz. Sa telebisyon ay naging successful ang loveteam nila ni Barbie na via their first team-up sa pelikula ni Direk Joel Lamangan, dahan-dahan ay itinatawid niya ang pangarap niya sa showbiz.
 
Barbie Forteza and Ken Chan with Mother Lily
 
“Kahit wala na si Kuya Germs, alam ko andyan siya na nakaalalay sa akin. I’m thankful sa Regal Films and Regal Multimedia, Inc sa break na ibinigay sa akin at sa amin ni Barbie ni Mother Lily at Ms. Roselle (Monteverde).
Ken plays the role of Tristan na classmate naman ni Erika (played by Barbie) na
may relationship issues na dapat ayusin at tapusin.
 
Sa pelikula ay  makakasama nila sina Kim Rodriguez, Akihiro Blanco , Jai Agpagan, Yayo Aguila at Ara Mina. Showing na ang  siksik sa kilig movie nina KenBie sa November 8 sa mga sinehan nationwide.
 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleMANINIWALA KA BA?: Donny Pangilinan, member ng ‘NGSB’
Next articleZanjoe Marudo at Rhian Ramos, magpapakilig ngayong Nobyembre sa “Fallback”

No posts to display