DAHIL SA TIMBANG: Max Eigenmann, pansamantalang nag-quit sa showbiz

Max Eigenmann

AMINADO ang aktres na si Max Eigenmann na napabayaan niya ang sarili para lumobo siya ng husto reason why she stopped doing movies.

“Aside from the fact na lumaki ako, I gave birth to my second child,” kuwento niya. Hands-on mom si Max sa mga anak niya bukod sa katotohanan na masarap daw kasi kumain, natatawang kuwento niya sa amin on her out of the hotel lobby kung saan isinagawa ang FDCP’s Send-Off media conference para sa six official entries ng Philippines para NYAFF kung saan ang movie nila ni Erich Gonzales na “We Will Not Die Tonight” ay kabilang.

Just like Erich, parehong mga stuntwomen ang role nila sa pelikula ni Direk Richard Somes na ini-expect ang mga action scenes nilang dalawa.

“Ang hirap. During the chase scene. I smoke a lot kasi. Kaya I need to lessen it.

Mabuti na lang she does yoga and running kaya kahit papaano ay naitatawid niya ang mga ubos-hingal na eksena niya sa pelikula.

Si Max ay kapatid na buo ng actor na si Sid Lucero sa inang artista rin na si Bing Pimentel at ang ama nila ay ang actor na si Mark Gil.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleAYAW MAGPA-DOBOL SA STUNTS: Erich Gonzales, muntik na mamatay sa shooting
Next articleNEWBIE DIRECTOR YSABELLE PEACH, NAGMANA SA AMA!

No posts to display