Dahil sa viral videos, Kristel Fulgar ‘di tuluyang nilayasan ang showbiz

Kristel Fulgar

AYON KAY KRISTEL FULGAR, malaking factor ang mga nag-viral niyang videos na ang isa ay umabot pa ng halos 13 million (Secret Love Song) kung bakit itinuloy pa niya ang pag-aartista.

 
“Ako po, nung high school, yon na yung pinaka-awkward age ko, eh. Sabi ko, kailangan ko talagang pagbutihin yung pag-aaral ko kaya sinikap ko po talaga na maka-graduate on time ng high school and college.
 
“Nagkaroon naman po ako ng mga projects noon na puro supporting roles. Nito lang pong nagba-viral na yung video ko, nito lang po ako nakilala as Kristel Fulgar. At sobrang laki po ng pinagkaiba ng career ko before at sa ngayon,” kuwento sa amin ng singer-actress.
 
Ngayon din lang daw siya nakilala ng mga tao sa kanyang pangalan.
 
Aniya, “Parang ngayon ko lang na-realize na ganito pala yung artista talaga. I mean, ganito pala yung feeling ng totoong artista kasi before parang, ano lang, pag nagpapa-picture yung mga tao, ‘O, pa-picture, si ano to, eh. Dito siya lumalabas.’
 
“Pero ngayon, sarap sa feeling na, ‘Uy, si Kristel Fulgar.’ Minsan buo pa po yung apilyedo. Masarap sa pakiramdam na kilala nila ako ako.”
 
Sa nangyayari ngayon kay Kristel, very thankful siya na naka-abante na rin ang kanyang career.
 
 “Alam ko naman po na sa showbiz, hindi talaga forever and thankful na po ako talaga na umabot po ako sa ganito, na nandito pa rin po ako, and eto nga po, parang nagkaroon ng boom sa career ko.
 
“Para sa akin, ito na po yung pinaka-peak ng career ko. Kasi parang ito na po yung pinakamataas kong naabot.
 
“Kasi after po nung College, (graduate siya ng Communication Arts), gusto ko na pong mag-work. I’m about to give up na po before sa showbiz.
 
Mapapanood si Kristel sa 4 Of A Kind: The Unforgettable Concert kasama sina Sue Ramirez, Loisa Andalio at Maris Racal on July 8 sa Music Museum.
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleMaris Racal, malaki ang respeto kay Miho Nishida kaya ayaw patusin si Tommy Esguerra
Next articleGlaiza de Castro in South Korea: Kinain na ng Sistema!

No posts to display