SA WAKAS, nabigyan na rin ng proyekto ang Kapuso beauties na sina Max Collins at Sophie Albert where they’re challenge to bring out their acting prowess. Matagal-tagal na rin sa showbiz ang dalawang mestizang aktres kaya naman masaya kami sa success ng programa nilang ‘Bihag‘, ma masasabi namin na tunay na ‘nabihag’ na nila ang puso ng teleserye fans.
Sa tingin ko, moviegoers and teleserye viewers started taking Max Collins seriously last year nang lumabas ito sa Citizen Jake at Rainbow’s Sunset, where she even bagged a Special Acting Award. Baka ito rin ang rason kung bakit siya ang napili na gumanap bilang Jessie, ang misis na niloko ng asawa at nawalan ng anak sa ‘Bihag’. Malaki ang pressure na naipataw sa kanya dahil very successful ang sinundan nitong programa na ‘My Special Tatay’, kung saan napansin naman ang galing nina Ken Chan at Rita Daniela.
Hindi si Sophie Albert ang first choice bilang si Reign/Marie. Pinalitan lang niya ang isa pang sexy actress na nag-back out last minute. Marahil nakita rin ang galing niya sa short-lived series na ‘Pamilya Roces’ where she plays a ‘malanding kikay’ role, siya ang pinagkatiwalaan ng GMA-7 na gampanan ang isa pang mistress role na in a serious note naman.
Sa umpisa ay hindi masyado napapansin ng viewers ang programa, pero biglang nag-hit ito simula nang matuklasan na ni Jessie (Max Collins) na sina Reign at Marie (Sophie Albert) ay iisa. Simula noon ay nagkaroon na ng maraming fight scenes ang dalawa na tila naging upgraded version na sila ng isa pang kabitseryeng hit ng Kapuso network na ‘Ika-6 na Utos’.
Ang maganda sa Bihag, palaban ang bida. Hindi rin naman nagpapatalo ang kontrabida. Kahit medyo ridiculous na ang iba sa mga eksena nila, bentang-benta pa rin ito sa mga manonood. Thanks to the help of each camp’s besties played by Jade Lopez and Nicole Donesa, mas lalong nakaka-high blood ang banggaan ng dalawa.
Let us also give recognition to Jason Abalos who plays the role of Brylle, na sa tagal niya sa GMA-7 ay ngayon lang natin napanood in a drama role nang matagal-tagal. Hindi ito ang first time ni Jason to play as the man in between two ladies (Two Wives, remember?), pero hindi maikakaila na Drama talaga ang kanyang forte. Ang karakter naman ni Mark Herras bilang Larry ay napapansin na rin. Mukhang madedevelop na ang kanyang karakter kay Jessie.
Habang tumatagal ay lalong gumaganda ang mga eksena ng ‘Bihag’. Sana ay magtuloy-tuloy ito. Congratulations to Max and Sophie! Sana umarangkada na rin kayo sa movies!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club