FACEBOOK AT TWITTER na nga ang masasabing arena ng mga awayan ng mga tao sa panahong ito.
Ang pagkakamali naman ng isang bagong radio show host in the person of Eat…Bulaga’s Daiana Menezes eh, sa kagustuhan niyang maging katulad ng idolo niyang si Mo Twister, na deretso at prangka sa pagsasalita ng anumang gustong sabihin niya, nakahanap siya ng katapat sa sinabihan niya sa pagbibigay rin ng komento sa programa niya na huwag na lang itong makinig.
Actually, host sa mga sikat na sing-along bars sa Manila at Quezon City si Nikki Chavez. In fact, naging panauhin pa pala ito sa show nina Daiana sa radio, at nakipag-discuss sa isang paksang may kaalaman naman siya.
The next days, patuloy na nakikinig si Nikki sa teleradyo nina Daiana, na bukas naman daw sa negatibo at positibong komento. Simple lang ang pinansin ni Nikki that particular night, na nawawala na si Daiana at dalawang kasama nito sa paksang pinag-uusapan nila. Eh, sukat ba naman daw na sagutin siya ng Daiana na huwag na lang daw siyang makinig kung ‘di nagugustuhan ni Nikki ang usapan. At sumagot naman si Nikki sa mga punto niya kung bakit nasabi niya na nawawala na sila sa paksa.
Hanggang ang ending, sige sila ng kababanat kay Nikki sa FB after na i-block o i-delete nila ito para hindi makabuwelta ng sagot sa kanila. Dahil marami ang sumang-ayon sa naging komento ni Nikki kina Daiana.
Pero ilang araw lang ang dumaan, ‘eto na raw ang Daiana at nagte-text na kay Nikki at humihingi na ng sorry na tinanggap naman niya. Matapos na sabihan din siya ni Daiana at ng mga kasama nito sa programa na nag-mura raw siya kaya siya dinilete. Na wala naman daw katotohanan dahil mati-trace naman ‘yun sa mga pinag-usapan o naging palitan nila ng usapan sa nasabing programa.
Matapos ang nasabing insidente, bumalandra na sa balita si Daiana. Dahil may obligasyon itong nakakaligtaang gawin sa Rentas Internas.
At mukhang may dinarama raw sa kanyang health ang dalaga.
Importante talaga sa isang tao, anupaman o sinupaman siya, ‘yung maging mapagpakumbaba. Kung sa sariling bansa ni Daiana ay ganito ang gawi nila, dapat na inilalagay nito sa isip niya na siya ang banyaga at hindi ang mga nasa paligid niya. Dumadalaw o isang dayo lang siya sa atin, kaya hindi siya puwedeng umasta na magtatataray na lang siya anytime na gustuhin niya dahil lang gusto niya lang na ibigay ang opinyon niya.
Ang DJ na si Mo Twister, na gustong idolohin ni Daiana eh, matagal na sa business na pinasok niya. Si Daiana, sabi nga ni Nikki, ni hindi makahawak ng mic sa EB. At sana rin, hindi kinakalimutan ni Daiana, na dahil sa EB siya mas madalas na makita, saan man siya makarating, lahat ng gagawin niya, tama man o mali eh, magri-reflect sa programang nagpakilala sa kanya sa sambayanan.
In the days to come, we’ll see kung tuluyan pang makakahawak ng mic sa EB si Daiana.
May tawag daw sa mga taong ganitong klase ang pag-uugali – megalomaniac.
Ano ba ang ibig sabihin nu’n? Tingnan natin sa dictionary ang meaning ng megalomania: a mental illness characterized by delusions of grandeur, power, wealth, etc. Ang informal meaning din nito eh, a lust or craving for power.
Sana, hindi ito akma sa sinumang nakakahawak ng mikropono, nasa telebisyon man o radyo.
Sana, hindi sila ito!
The Pillar
by Pilar Mateo