ISANG GABI, NAULINIGAN ng ilang taga-showbiz ang pagkukuwentuhan ng dalawang kilalang aktres. Mainit ang kanilang paksa, kasing-init ng kuwentong nag-uugnay sa isang aktres at sa isang sikat na personalidad sa kanyang larangan. “Makapal talaga ang mukha ng babaeng ‘yun! Super-kapal! Kahit kaunti, wala siyang kahihiyan!” Sabi ni Actress A na medyo may edad na. “Oo naman, obvious ba? Siya pa mismo ang naglalantad ng relasyon nila nu’ng lalaki, parang proud na proud pa siya!” Komento naman ni Actress B. May nadagdag na karakter sa kanilang kuwentuhan, pangalan ‘yun ng isang nagpapaseksi ring aktres na minsang nadikit ang pangalan sa sikat na lalaking personalidad. “Mabuti pa ang isang ‘yun, puro milagro lang ang alam ng publiko, walang nakitang santo!” Si Actress A uli. Sabi naman ni Actress B, “Du’n mo makikita ang discreet sa hindi, may pasintabi, parang ipinaglaladlaran pa niya na sila na nga ngayon nu’ng lalaki! “At take note, aware ang parents niya sa mga nangyayari, ha? Nakakaloka sila!” Komento ni Actress A. At may pahabol pa si Actress B, “So sad, napag-uusapan lang ang babaeng ‘yun kapag nakikipagrelasyon siya sa lalaking may asawa na, wala man lang credit tungkol sa kanyang talent kung meron man siya.” Aray ko! SA DARATING NA Sabado nang gabi, November 21, hindi namin palalampasin ang Michael & Me concert ni Nyoy Volante sa Zirkoh Comedy Bar-Tomas Morato. Sa titulo pa lang ng kanyang show ay bigay nang parang tribute ito ng magaling na acoustic singer sa Pop Icon na si Michael Jackson. Hindi naman itinatago ni Nyoy Volante ang matindi niyang paghanga sa namayapang King of Pop. Kabisado niya ang mga kanta ni Michael Jackson. Malaki rin ang impluwensiya ng Pop Icon sa kanyang singing career. Paminsan-minsan lang mapapanood si Nyoy sa mga konsiyertong may konsepto. Ngayon pa lang ay gusto na naming mapanood ang magaling na acoustic singer na ibinibigay ang sarili niyang rendisyon ng “Man In The Mirror,” “Ben,” “Music and Me,” “Bad,” “Beat It,” “Billie Jean” at marami pang iba. Napakatahimik ng singer na ito. Kahit anong isyu ang ibato sa kanya ng iba ay nananatili siyang maginoo. May isang dating karelasyon siya na hanggang ngayo’y hindi pa rin tumitigil sa kakukuwento tungkol sa kanilang nakaraan. Pero minsan man ba’y sumagot ang singer? Nakatutok lang siya sa kung ano ang totoo. Ang singing career lang niya at ang kanyang pamilya ang sentro ng kanyang buhay. Ano nga ba naman ang mapapala niya sa pagsagot sa mga isyung dapat ay nakatago na sa baul sa kalumaan? Hindi nakasasawang panoorin si Nyoy Volante. Naturingan siyang acoustic singer na nakaupo lang at pagita-gitara. Pero may iba siyang atake kapag nakasalang na siya sa entablado. Sa kanyang show sa Sabado nang gabi sa Zirkoh-Tomas Morato, sasayaw si Nyoy Volante. ‘Yun ang ngayon pa lang ay kinasasabikan na namin, dahil ayon sa aming mga nakakausap na malapit kay Nyoy, isang talento ‘yun ng acoustic singer na hindi pa masyadong natututukan ng manonood. Ang Michael & Me ay mula sa direksiyon ni Tito Ernie Duque at hatid naman ng Backstagepass Productions. Cristy Per Minute by Cristy Fermin
Home Blind items
RELATED ARTICLESMORE FROM AUTHOR
Kris Bernal, sunod-sunod ang flop teleseryes
AS FAR as we're concerned, Kris Bernal is one of the assets of GMA-7. Kahit na hindi siya ang main winner sa Starstruck Batch 4 (si Jewel Mische ang Ultimate Female Survivor ng kanilang batch), sinuportahan ng fans ang tambalan nila noon ni Aljur Abrenica which produced a number...
James Reid, nakahanap na ng ‘Soulmate’ sa piling ni Nancy McDonie ng Momoland!
MISS NIYO NA ba sa TV ang talented cutie na si James Reid? No need to fret dahil nakatakda nang magbalik-telebisyon ang controversial Filipino-Australian star.
Ilang years din nawala sa paggawa ng teleserye ang other half ni Nadine Lustre. For a change, ay hindi Pinay kundi isang Koreana na sikat...
CERTIFIED REGAL BABY: Jane Oineza, paborito ng Regal Films!
BONGGA ang movie career ng Kapamilya actress na si Jane Oineza. Hindi man siya ganun ka-visible sa teleserye (her last is a sexy antagonist role in Los Bastardos), hindi naman ito nababakante pagdating sa paggawa ng movies.
Showing na today ang highly anticipated barkada movie na 'Ang Henerasyong Sumuko sa...
Pagkopya ni Liza Soberano sa Spice Girls, ginagawan ng isyu!
HUMINGI kaagad ng paumanhin ang Kapamilya actress na si Liza Soberano matapos nitong marealize na baka i-bash siya dahil sa kanyang pagsagot sa isang follower na binabatikos ang kanyang look para sa isang ad campaign.
Sa larawan na ipinost ni Liza Soberano sa kanyang Instagram account, ginaya nito si Mel...
TEASER PA LANG, KABOG NA! ‘Isa Pa With Feelings’ nina Carlo Aquino at Maine Mendoza, trending!
THE LONG WAIT is over! Months ago ay inanunsyo ng Black Sheep at APT Entertainment ang kanilang pagsasanib-puwersa para sa pelikulang "Isa Pa With Feelings" na first movie team up ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino at Kapuso actress Maine Mendoza.
Yes, Carlo and Maine in one movie! Isang...
BEAUTY QUEEN RUMBLE? Kylie Verzosa, nadala sa eksena kaya naduraan si Maxine Medina
NALOKA kami sa balitang nakalap namin recently na may 'duraan' na nangyari sa set ng isang teleserye. Diumano, dinuraan ni Actress 1 si Actress 2 habang nasa isang intense fight scene sila at ang bonus ay may pa-bubbles pa raw ito, huh!
Later on ay nagpa-blind item ang pinsan ni...
INAABANGAN NA: ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’ nina Jane Oineza at Tony Labrusca, milyon agad ang trailer views!
SABIK NA SABIK ‘yata ang fans ng mga bida ng highly-anticipated barkada movie ng 2019 na ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’, huh? Paano ba naman, in one day ay umabot agad ng mahigit sa isang milyong views ang official trailer ng bagong obra ni Direk Jason Paul Laxamana.
Early this...
LILIPAT NA? Lovi Poe at Gerald Anderson, magtatambal sa bagong pelikula?
PAGKATAPOS ng announcement na gagawa ng pelikula ang hot and talented actress na si Lovi Poe with Viva Films with young hunks Marco Gumabao and Tony Labrusca as her leading men, narinig namin na may isa pang sizzling film na gagawin ang aktres with a Kapamilya actor. Alam niyo...
WILD AND FREE: Kaseksihan nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio, masisilip na sa Netflix!
ANG REGAL Entertainment ang newest major film outfit sa Pinas na nakipagpartner sa international video streaming site na Netflix. Sa katunayan, ang ilan sa mga underrated films nila in the recent years ang aprub at mapapanood na ng international market beginning September 1. Ang pelikulang 'Wild and Free' nina...