IN SCIENCE, it’s proven that “like poles repel”. Tulad na lang ng dalawang showbiz mothers na ito, one of whom (the older one) has recently waged a Twitter war against the other.
Hindi malinaw kung ano ang ugat ng kanilang hidwaan, basta out of the blue na lang, ang mas matandang tauhan sa kuwentong ito ang nagpasaring—in a Twitter account that she herself created—laban sa isang kontrobersiyal na personalidad.
But the older subject deemed it most appropriate na awayin ang kanyang kalaban this post-Lenten period. By now, she must have positively identified her nemesis in her tweets.
Kung bakit namin nasabing “like poles repel” has a lot to do with their parenting style. Parehas lang naman kasi ang estilo ng dalawang inang ito when it comes to their respective daughters.
Saksi ang ilang programa sa TV kung saan lantarang binatikos noon ng mas matandang ina ang kanyang unica hija, damay pati ang asawa nitong aktor na wala raw silbi noong dinapuan ng life-threatening disease ang kanyang anak.
On a smaller scale, wala rin itong iniwan sa inaaway niyang kapwa showbiz mom. Saksi rin ang mga manonood kung paanong ang away-mag-ina which is best confined within their household ay halos pagpiyestahan ng buong mundo, even her daughter’s lovelife ay hindi rin ligtas sa pang-ookray ng ina.
The issue between these two controversial maternal figures does not span from A to Z… but from A to A.
(By Ronnie Carrasco III)