PUWEDE NANG i-auction ang mga damit na paulit-ulit na nakikita ng televiewers sa coaches ng The Voice Of The Philippines.
Aba, isang tingin mo lang sa kulumpon ng mga damit kunwari ay malalaman mo na agad kung kanino ‘yung ke Lea Salonga, Bamboo, Apl de Ap at ‘yung ke Sarah Geronimo, eh.
Sinadya raw pala ‘yon. Ang buong akala pala namin ay isang buong araw lang ginawa ‘yung blind auditions at hinati-hati lang sa mga walong episodes.
“Ipinaliwanag na ‘yan, Ogs. Kasi nga, sa ibang bansa, iisa lang din ang outfit nila, ginaya lang natin dito sa atin.
“Eh, hayaan na nila. Ang importante eh, iba-iba naman ang contestants na napapanood nila,” sey sa amin ng isang production staff.
Pero kung isusubasta nga ang kanilang mga outfit, the highest bidder wins na lang ang peg.
Oh My G!
by Ogie Diaz