HABANG UMIINOM ng kape sa Starbucks, isinalaysay sa akin ni Dan Libor ang kanyang makulay na buhay.
“Madalas ako rito sa Alabang Town Center o ATC. Ito ang laging kong tambayan sa tuwing kumukuha ako ng inspiration bilang isang pintor. Ang ilan sa mga studies ko ay rito ko ginagawa na halos inuubos ang aking panahon. Pagdating sa bahay ay punung-puno na ako ng mga ideya at isipan.
“Ako ay isang founder at opisyales ng Las Piñas Artist Society. Ilang taon ko ring hinawakan ang grupo, pero punung-puno ito ng mga pagsubok. Andu’n ang hindi nawawala ang mga inggit ng kapwa pintor. Hindi mawawala ang mga bagay na ‘yan, pero dumanas ako ng hirap.
“Noon ako’y biglang inatake habang mini-miting ko ang grupo ng Las Piñas Artist Society noong 2009, doon ko nalamang mayroon akong baradong ugat sa puso. Mga bandang October 2009, nag-decide na ang aking doctor na ako ay maoperahan. Kailangang makapaghanda ako ng isang milyong piso mahigit para sa operasyon ko. Saan mo kukunin ‘yon? Nasa kamay ng Diyos ang halagang iyon.
“Pero maraming kaibigan ang nagbigay ng tulong at binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon at dumating ang mga kaibigan ko na aking kolektor na mga nagbigay at nagbayad. Samantalang karamihan, kung may mga nagbayad lang, ay doon ka lang nagkakaroon ng pera. Kaya kailangang magtiyaga.
“Alam ninyo ganyan talaga ang buhay ng isang pintor, kung kelan ka lang mabebentahan, saka ka lang may pera. ‘Di ko akalain na ang mag-oopera sa akin ay si Dr. Roel Talino. Isa pala siya sa mga kolektor ko at nanggaling pa siya sa China. Nang malaman na inatake ako, agad-agad siyang umuwi rito sa Pilipinas para maoperahan ako. Dito sa Perpetual, nang naoperahan na ako ay nakipagkilala sa akin si Dr. Roel. Siya ay isang doktor sa Philippine Heart Center kaya sinabi niya sa akin na mag-exhibit ako sa ospital.
“Noong 2010 ay nagpunta ako ng Australia. Sila ang mga tumingin sa akin at sila na rin ang mga naging guest ko. Sa awa ng panginoon, naging sold-out ang aking exhibit. Andu’n ang biyaya ng Panginoon basta nagtitiwala tayo sa kanya at ‘wag tayong mawalan ng pag-asa. Basta, lahat ng ito’y siya ang may gawa nito sa aking buhay. Kaya ang sabi ko, ‘Jesus Christ is the Savior’. Basta ganu’n ang paniniwala mo sa panginoon. Ang lahat na mga buyer ng maipon ay umabot sa halagang 1.5 milyon. Kung pa’no mo ibinayad sa operasyon, sobra pa roon at binigyan ng pagkakataon na makapag-donate ako ng paintings. Tuwang-tuwa sila sa akin.
“Alam mo, ayaw kong tinatalian ako sa ilong. Kung ano ang gusto ko, ‘yon ang gagawin ko. Ayaw kong naka-box ako. Kung gusto mo akong habulin, ‘wag mo akong hilahin pababa, ayaw ko noon.
“Nilalagyan ko ng kaunting gasgas ang paintings ko para ‘wag mapeke. Kailangang i-develop pa natin ang ating mga gawa. Kami ni Maestro Orobia siguro mga 10 years nang ‘di kami nagkikita. Ngayon ay nagpupulong para tulungan muli ang mga pintor. Gumagawa muli kami ng grupo ni Maestro Orobia, ang ‘Artists Club of the Philippines’.
“Ang masasabi ko naman sa kapwa ko artists ay ‘yung iba mataas ang ulo. Nanalo lang sa kumpetisyon, malaki na ang ulo, minsan nabentahan lang, ganu’n na rin.”
Nagtapos sa UST si Dan Libor sa kursong Advertising major in Painting at Advance in Painting and Sketching sa ilalim ni Gabriel Custodio. Kumuha rin siya ng Advance Course in Watercolor sa Portraiture, Landscape at Still life sa Phoebe Flory Water Color Studio sa Glendale, California, USA.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
E-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia