OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka na naman sa Earth, as in more chikka, more fun na naman tayo.
Kaloka, as in! Parang gusto kong itaas ang kilay ko hanggang 50th floor na wala nang doktor na puwedeng magbaba! Kasi ang nakalagay sa pahayagan, ‘Daniel Fernando Ready to Fight Philip Salvador in Next Election’.
Ang tanong: Bakit si Daniel ang ready na makipagsagupaan kay Philip, samantalang ang kasalukuyang vice-governor ng Bulacan ay si Daniel?
Kasi nga, balak daw nitong si Philip na kalabanin si Daniel sa nasabing position, dahil ito raw ay sa udyok ng isang mayor d’yan sa Bulacan. Natatandaan ko na rin nu’ng mga nakaraang araw na tumakbo na rin itong si Phillip sa Mandaluyong. Kung hindi ako nagkakamali, talo. Kaya nagulat ako na tatakbo siya sa Bulacan. Ano ba talaga, Kuya Ipe, saan ba talaga ang lugar mo?
Nu’ng Linggo, nakausap ko sa aking progrma si Vice-Gov. Daniel tungkol dito. Napaka-humble niyang kausap at tanggap naman niya ang hamon ni Ipe, kasi wala siyang magagawa. Kaya lang, sabi niya, hindi raw siya makapaniwala. Kasi nga naman, ang turingan nila ay “kapatid, kaibigan at parang tatay na rin ang turing sa kanya at tinitingala sa showbiz”. Masakit nga raw at hindi niya matanggap.
Kaya kung ako si Philip, hindi ko ito kakalabanin, bagkus, suportahan na lang ang mga magagandang ginagawa ni Daniel bilang vice-governor ng Bulacan.
Kaya nga dahil sa isang udyok ng isang mayor ng Bulacan, wala na sa kanila ang sinasabing kapatiran. Alam mo naman sa pulitika, kahit nga magkapatid, mag-ama, mag-asawa, naglalaban sa iisang puwesto.
Pero sa aking pagkakaalam, first time itong mangyayari na maglalaban sa isang posisyon ang parehong taga-showbiz. Kaya nga kung ako si Philip, hindi ko gagawin na labanan ang kapwa-artista.
Ayon naman daw kay Philip, walang personalan ito, trabaho lang na sana raw maintindihan ni Daniel.
Pero ayon kay Daniel, “Hindi ko alam kung ano ‘yung sinabi niyang maiintindihan ko siya. Hindi naman ako plastik.”
Ang masakit daw talaga, dati binibigyan pa siya ng magagandang advise ni Ipe tungkol sa kanyang political career. “Pinapayuhan niya ako sa maraming bagay. Nasaktan ako kasi naalalala ko ‘yung payo niya na pagbutihin ko pa raw ang pagiging isang public servant ko.”
Ayon pa kay Daniel, “Kung iba ang lalaban sa akin, okay lang. Matatanggap ko nang buong-buo. Pero si kuya Ipe, mahal ko. Gusto kong maging maayos kami. Pero sa mga nangyayari, hindi ko alam. Marami sa amin ang maaapektuhan, mga kasama namin sa industriya.”
Tama nga naman. Kasi nga itong mayor na taga-Bulacan na nag-uudyok kay Ipe ay maraming bayarang showbiz writer na ngayon ay nag-uumpisa nang magbato ng kung anu-anong issue kay Daniel. Marami nga ang nagtatanong sa akin, mga kaibigan ko at kapatid na taga-Bulacan kung si Ipe raw ay taga-Bulacan. ‘Yan ang million-dollar question na dapat tuklasin ng Comelec, kung sakaling ito nga ay taga-Bulacan.
May nagbiro nga sa akin na baka manalo ‘yan. Kasi ang anak ni Ipe kay Kris Aquino na si Joshua ay paborito ni P-Noy, at baka daw ikampanya ni Kris. Ayun, patay kang bata ka!
Pero ayon nga kay Daniel sa aking panayam, tuloy lang ang kanyang pag-lilingkod bilang vice-governor ng Bulacan. Tutal, matagal-tagal pa naman ang election. Malalaman na lang natin ‘yan sa darating na panahon kung ito nga ay mangyayari wala siyang magagawa kung hindi tanggapin ang hamon. Alam daw niya na hindi siya pababayaan at gagabayan ng Diyos at lalo na ng mga kababayan niya na mga taga-Bulacan, kasi subok na nila si Daniel bilang public servant. ‘Yun na.
BLIND ITEM: Oh, no… as in! Over my dead body! Nakakaloka naman itong si actress na kilalang-kilala na laging nasa ibang bansa kaya nananahimik na napapabalitang may jowaers. Kaya pala walang masyadong career ngayon, kasi inlababo ang lola mo at parang gusto na lang niyang ubusin ang pera niya sa kanyang jowa.
Naku, te! Parang mas nakikita ko sa ‘yo nu’ng single ka, kaliwa’t kanan ang mga pelikula mo at may teleserye ka pa. Ganyan ba talaga ang may jowa, nanahimik na lang? Ayaw nang kumita ng pera? Kaloka naman, ‘te, to the highest level!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding