MULING PINATUNAYAN ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na kapag gumawa ka ng tama sa kapwa at tamang pagtulong sa mga taong nagtiwala sa iyo na naglagay sa iyong posisyon ay hindi uubra ang paninira.
‘Di nga ba kapag ikaw raw ay isang artista at nahalal sa itinakbong posisyon at nanalo ay kung anu-ano nang paninira ang ibabato para ka masira at matalo sa susunod na election.
Naranasan ito ng actor na si Daniel Fernando. Nang tumakbong vice governor ay sinabihan na walang karapatan maging vice governor dahil walang alam sa pagpapatakbo at pagtulong sa mga mamamayan ng Bulacan.
Ngayon ay hindi lang paghanga ang nararanasan ni vice governor sa Bulacan. Nakuha na rin niya ang respeto ng mga award-giving body para bigyan siya ng karangalan na ibinibigay or ipinagkakaloob sa isang matapat na public servant.
Katunayan, last April 11, sa Grand Ballroom ng Manila Hotel Manila, binigyang-karangalan ng Golden Globe Awards Council si Vice Governor Daniel Fernando ng Outstanding and Significant Achievement in Public Service.
Ang naturang karangalan, aims to recognize and pay tribute to all Filipino around the world that brought pride and honor to the country.
Ipinagkaloob kay Vice Governor ang karangalan dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa mga constituent sa Bulacan, sa pamamagitan ng iba’t ibang project tulad ng “Damayang Filipino: Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo”, “Damayang Filipino Computer on Wheels”, “Call Center Training Program”, “Medical Mission”, “Feeding Program”, atbp.
Bilang isang artista bago pinasok ang pulitika ni Daniel Fernando, tumanggap din siya ng iba’t ibang karangalan, tulad ng Best New Male Actor na ipinagkaloob sa kanya ng PMPC Star for Movies sa pelikulang idinirek ni Peque Gallaga.
Ipinagkaloob din sa kanya ang Most Popular Appealing Star for Jingle Association Magazine, Best Actor sa Gawad Urian para sa pelikulang idinirek ng namayapang director na si Lino Brocka, atbp.
Nagpapasalamat si Vice Gov. Daniel na nabigyan siya ng pagkakataon na maging isang actor. Kaya naman kahit anong mangyari ay hindi raw niya makalilimutan ang naitulong sa kanya ng showbiz industry.
Kung hindi sa showbiz ay wala raw siya sa kinalalagyan niya. Sana raw ay magkaroon din siya ng pagkakataon o oras na makagawa ng kahit isang pelikula na hindi makaaapekto sa paglilingkod niya bilang vice governor ng Bulucan.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo