NOT EVERY celebrity politician’s achievements are hyped in print or reported in the media. Marahil, some prefer to keep a low-profile stance to being accused of grandstanding.
Isa sa mangilan-ngilang aktor-pulitikong ‘yon ay si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na mas nakatutok sa kanyang sinasakupang lalawigan sa halip na ipamarali ang kanyang mga tinanggap na parangal.
April 11 pa ng kasalukuyan kasing taon tinanggap ni Daniel ang isa na namang pagkilala sa kanyang mga naiaambag sa larangan ng sebisyo publiko. Daniel was awarded the Golden Globe Medal for Distinction for Outstanding and Significant Achievement in Public Service by the Golden Globe Awards Council during the ceremonies held at the Manila Hotel.
Partikular na pinagbatayan ng nasabing award-giving council ang patuloy na mga gawain ni Vice Gov na tumutugon sa mga pangangailangan ng kanyang mga constituents sa pamamagitan ng kanyang mga proyekto tulad ng Damayang Filipino: “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo” livelihood program; Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Filipino: Dugong Alay ng Bulakenyo; Damayang Filipino Computer on Wheels; Call Center Training Program; medical and feeding missions, among others.
Nito ring November 2014, tinanghal ding Outstanding Legal Legislator si Daniel as far as his track record in leading the Sangguniang Panlalawigan’s provincial ordinances and resolutions is concerned.
Kung tutuusin, mahaba pa ang talaan ng mga achievements ni Daniel sa larangang kanyang pinili outside his showbiz profession.
And like any other successful public servant, target ba ni Daniel na sungkitin ang mas mataas na puwesto sa 2016 elections?
Basta, still vivid in our memory ang Scorpio Nights film ni Daniel in his steamy scenes with Anna Marie Gutierrez, isama na ang eksenang pinaliligaya niya ang kanyang sarili!
Aminin mo ‘yan, kaibigang Melchor Bautista.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III