AKALA KO happily married sina Cesar Montano at Sunshine Cruz.
After ng isang hiwalayan nila noon na mag-asawa, out of the blues ay bumulaga ang isang starlet named Krista Miller na sahog sa pelikula ng actor tungkol sa buhay ni Manila Mayor Alfredo Lim.
Naloka ako sa Twitter message ng hiradera (kung sino man siya at kung saan man ga-ling ang babaeng ito); ang lakas ng loob na ibalandra sa Twitter world ang mga regalong bigay sa kanya ni Cesar like ang T-shIrt; iPhone 5 at mga tsokolate.
The fact na alam niya na may asawa at pamilya itong si Cesar (granting na umiiskor nga ang actor sa kanya) hindi ba siya nahihiya na ipangalandakan ang sitwasyon niya na kahit saan mo man tingnan, homewrecker siya?
Sa panahon ngayon na maraming starlets sa showbiz ang nagmamadali na mapansin, mapag-usapan at sumikat, isang maling move ito sa career niya (sino ba ang gunggong na manager niya na mali ang naging advise sa kanya?)
Saan mo man tingnang anggulo, negative na itong si Krista. Maninira ng pamilya.
Tawag ko sa mga babaeng ganyan, “kapalmuks!”
Kahit saang angulo mo man tingnan, ang misis na kinakaliwa ng mister niya ay sa kanya pa rin ang simpatiya ng publiko at ang homewrecker na tulad nitong nagngangalang Krista Miller, may stigma na agad na nakakabit sa kanyang pangalan.
As of presstime, nakipag-usap na si Sunshine kay Atty. Bonifacio Alentaja para sa mga legal nitong moves niya para makipaghiwalay na sa mister niya.
Pero ayon sa pamosong abogado, advise nito sa misis ni Cesar ay ayusin muna nilang mag-asawa ang kanilang problema.
Para kay Cesar na at first we thought ay mabuti siyang asawa sa kanyang misis, parang nagbago yata ang tingin namin.
Kung publicity man ito para sa pelikula niya, in bad taste ang publicity slant at hindi makatutulong sa magiging kita sa takilya.
MATAPOS MAPAG-USAPAN noong nakaraang Kapaskuhan na si Daniel Matsunaga ang apple of the eye ni Kris Aquino at kumita na ang Sisterakas sa takilya, heto’t ngayon lang nag-react ang sexy hunk-model tungkol sa isyu.
Hindi si Kris ang tipo niyang babae dahil she prefers girl about his age (meaning, matanda na si Kris para sa kanya).
Si Kris, iritado na kapag napag-uusapan si Daniel. Sabi nga niya “annoying” na nga raw kapag ikinakabit ang pangalan ng ex-boyfriend ni Heart sa pangalan niya.
For 2013, maganda ang ngiti ni Kris dahil magaganda ang mga nangayari sa kanyang career from Sisterakas to Kailangan Ko’y Ikaw (na simula today) at sa pagbabalik ng Pilipinas Got Talent 4 na last Friday ay nag-taping na sila.
KUNG WALANG aberya, natuloy last Friday patungong Big Apple (New York City) ang cast ng It Takes a Man and a Woman ng Star Cinema.
For the 3rd time, muling magsasama sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa bagong obra ni Direk Cathy Garcia-Molina.
Eight days sila sa New York kung saan balita namin it’s a matured Sarah ang mapapanood ng publiko with a very passionate scene with JLC sa isang eksena sa naturang pelikula.
I’m sure, ito marahil ang sinasabi ng Pop Princess na malaking pagbabago at hakbang sa kanyang career at personal life.
Reyted K
By RK VillaCorta