HIRAP MANG mag-Tagalog, masaya namang kausap ang Brapanese model na si Daniel Matsunaga. Natatawa nga lang ito sa mga isyung diumano’y may something between him and Kris Aquino.
Aniya, “We had movie together ‘yung Sisterakas, a really great movie, number 1 sa box office record, ‘di ba? Minsan nagko-co-host ako du’n sa KrisTV, kaibigan ko siya.”
Dagdag pa niya, sa twitter lang ang komunikasyon nila, “Hindi po kami magka-text, pero I have her number.”
Paghanga pa ni Daniel kay Kris, “Lovable siya, mabait, she’s really nice, she’s example for me ng society, very special, very nice na person, with everybody.”
Pero hanggang du’n lang daw ‘yun at wala nang iba. Paliwanag niya, “No, what I feel is friendship talaga, I’m still… mag-focus sa work muna.”
GUESTS SA Sarah G. Live last Sunday, ang magkapatid na Gab at Paolo Valenciano. Ikakasal na kasi si Paolo sa darating na February 7, sa childhood friend at girlfriend nito of six years. Pabirong hirit ni Sarah, “Nakakainggit naman yan.”
Nadako ang kuwentuhan sa kung paano nagkakilala ang dalawa, sinabi ni Gab na parang since birth daw ay parang meant to be na talaga ang kanyang kuya Pao at girlfriend nito. Isa pang nakakakilig na hirit ni Sarah, “So it’s meant to be. Andiyan lang sa tabi ang kanyang ano… true love ‘noh. Sarap naman ‘yun,” na ikinakilig na rin ng mga manonood.
After ng kanilang interbyuhan, sabi ni Sarah na nakaka-inspire ‘yung kuwento ng pag-iibigan nina Paolo at Samantha Godinez.
Dagdag pa niya, “So ito na, magkantahan na tayo ng isang malupit na ‘Faithfully’, ito ang gustong-gusto natin. Faithfull na pagmamahal.”
Sa finale number naman ng show, ay sinabi nitong dapat ang pag-ibig ay makapagdulot ng positibong pagbabago sa isang tao.
Bago niya kantahin ang kanyang finale song na ‘Sunlight’, nagbigay mensahe muna ang Pop Princess tungkol sa pag-ibig.
“Mga Kapamilya, love is something that is not just a feeling of hearts beating fast. Ito ay isang powerful thing na dapat ay nakapagdudulot ng positive change sa isang tao. And it should bring out the best in a person. Nakakapagbigay ng tamang direksyon sa buhay at ng lasting happiness.”
Nakakaintriga naman ang kanyang kasunod na sinabi. Ibig kayang sabihin nito, muli niyang subukang magmahal?
Kuwento kasi ng TV host-actress, “You might not get it on your first try but don’t be afraid to try again. Tandaan natin na after every dark night comes the beautiful morning sunlight to give as hope of a better and brighter day.”
Ikaw na talaga ang may mga kasabihan, Sarah. Pak!!!
AND SPEAKING of Gab Valenciano, nakausap naman namin ito sa isang event at ikinuwento niya sa aming in two months time ay aalis na siya sa bansa para mag-aral sa Orlando, Florida. “Ito, dalawang buwan na lang ako dito sa Pilipinas, I’ll be leaving for the States in two months, for school, mag-aaral ako. Matutuloy na siya finally, so two more months. Sa Orlando, Florida ako pupunta. Du’n ako mag aral sa Full Sail University.”
Dagdag pa niya, “I’ve always had a passion, I always had a passion kasi for music, and ito talaga, for me is my way of pursuing that dream which is to be a producer worldwide, talaga.”
Hindi ba siya nanghihinayang sa magagandang opportunities sa kanya ngayon katulad ng pagiging regular performer sa ASAP? “For me kasi, not to sound mayabang ha, I don’t wanna sound mayabang, pero ‘yung show business kasi, kumbaga was given to me kasi, I was born into it, eh. Hindi naman talaga ‘yun ‘yung gusto kong gawin.”
“And though, na-enjoy ko talaga siya, I mean, I gain friends, I gain experience, gustong-gusto kong sumayaw, gusto kong mag-perform, ang nangyari ‘yung love ko sa showbiz nag-transform into music.”
“Tapos ‘yung love na ‘yun for music sobrang… talagang ‘yun na talaga ‘yung gusto kong gawin. And I believe, kunwari after kong mag-aral sa States, gusto ko rin namang bumalik dito to contribute to the music industry rin natin.”
Ano bang gusto niyang maging career ‘pag nakatapos na siya? “Ah gusto ko maging musical director, music producer, pero I see myself kasi travelling the world not just Manila so that’s my goal. That’s my life’s goal.”
Matagal na rin daw niyang pinaghandaan itong kanyang bagong tatahaking larangan. “It’s been three years na nag-prepare ako. I’ve been trying to gain experience para pagdating ko du’n at least hindi ako mali-left behind.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato