KAPUNA-PUNA ANG pagkanta nang sintunado ni Daniel Padilla last Sunday sa ASAP. Live pa man din ang kinanta niya ng sumikat na awitin ng Rainmakers na “Binibini” (na napakadali ng tono) in the 80’s, pero hindi niya nairaos nang matiwasay.
Simula umpisa hanggang matapos, lahat flat note ang arya ni Daniel habang ang mga fans niya na nandu’n live sa studio sa harapan niya ay tuloy lang ang sigawan at tilia ayaw pansinin ang pagkasablay ng idol nila.
Pero naloka ako sa sagot sa akin ng isang kaibigan na kabilang sa production ng DOS concert niya na gagawin sa Araneta Coliseum sa April 26. Sabi ng friend namin, “Daniel can sing but not as good as Arnel Pineda or Bamboo.” Napalunok na lang ako ng sarili kong laway.
Hello! Sabi ko, hindi naman ako fan ni DJ. Marunong naman akong makapulso sa magandang pagkanta minus the flat notes or sablay. Akala ko nasira ang television set ko. ‘Yun pala, sintunado siya habang kumakanta.
Pero balita namin, problemado raw ang binata habang kumakanta last Sunday. Pawardi-wardi na parang nagpo-protesta sa isang isyu na ang pagkanta ng sintunado at sablay (na maglilikha ng negative impression sa kanya) ay isang protesta.
Is it true dahil kay Kathryn Bernardo kaya pasintunado ang ginawa na pagkanta ni DJ bilang pagpupumiglas at pagkaaburido?
Kung ano man ito, alam namin. Pero at the moment we do not want to divulge the real reason. Yes, reliable ang source namin na close sa kampo nina DJ.
Reyted K
By RK VillaCorta