Daniel Padilla, Anderson Cooper, pararangalan sa isang free concert

Daniel-PadillaTUBONG LEYTE ang dating aktor (na ngayon ay advocacy and historical film director) na si Carlo Maceda, kung kaya’t “nagdurugo” ang puso nito na one year after the Yolanda tragedy ay puro mga “negative” issues pa rin ang mga naglalabasan sa media.

Hanggang ngayon, kinukuwestiyon kung saan nga ba napunta ang bilyong pisong handog o tulong mula sa iba’t ibang panig ng buong mundo na bumuhos sa Pilipinas noong kasagsagan ng sakuna, magwa-one year na sa November 8.

Dahil dito, naisipan ni Carlo, at ang kanyang team na Haiyan Disaster Governance Inititative (HDGI), na mag-produce ng FREE thanksgiving concert upang pasalamatan ang mga “unsung heroes” ng Haiyan/ Yolanda.

“Wala pa kahit sino sa bansa natin ang nagpapasalamat formally and officially — sa isang event — sa mga nakatulong, in whatever way, sa mga kababayan nating nasalanta ng Yolanda.

“So, naiisp naming magpa-thanksgiving concert at magbigay-parangal para sa mga deserving individuals na malaki ang naging tulong sa Yolanda victims,” sabi ni Carlo.

Gaganapin nga ang “Handumanan: Pasasalamat Sa Mga Bayani Ng Haiyan” ngayong Biyernes, November 7, 4:00 PM hanggang hatinggabi, sa Quezon City Memorial Circle.

Libreng concert ito na dadaluhan ng mga tubong Leyte na sina Karla Estrada (ina ni Daniel Padilla) at Kitchie Nadal.

Magpe-perform din ang ilang banda/ artists tulad ng South Border, Imago, Rocksteddy, Jireh Lim, Banda ni Kleggy, Mayonnaise, Gracenote, Geo Ong, Phylum Band, Myrus, Chlara, Save the Day, Jeth Adriano, Blanktape-Syato, Joon Baltazar, Aisaku, Belle Ame International artist Steve Steadman, at ang Philharmonic Orchestra.

Kasama ni Carlo sa proyektong ito si Atty. Tecson Lim na isang dating Tacloban City Administrator, at ang kanyang maybahay na si Derlyn Maceda.

Kabilang sa awardees na pararangalan ang mga nakatulong na sina Karla Estrada at ang anak na si Daniel Padilla, na tatanggap ng certificate of recognition na signed by 1st District of Tacloban Rep. Martin Romualdez.

Malaking tulong ang nagawa ni Daniel na magpa-free show sa halos 20,000 na katao noon para sa Yolanda victims. Awardee rin si Anderson Cooper na malaki ang naging tulong sa Haiyan victims!

Sana ay makaabot ang flight ni Daniel sa Biyernes upang tanggapin ang kanyang award, dahil ‘yun ang araw ng kanyang dating mula sa isang trip abroad.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleJudy Ann Santos, pinapurihan ang akting sa horror movie
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 7 Issue 136 November 05 – 06, 2014

No posts to display