KAPAG GAMIT ng namatay, kadalasan may mga karugtung na kuwento. Kaya nga may 2013 entry ng Star Cinema na pelikulang Pagpag na binagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Sa ngayon na uso ang mga cremation sa mga labi ng ating mga mahal sa buhay, ‘yong iba, nagre-rent na lang ng coffin para menos gastos. ‘Yong iba naman, matapos isagawa ang viewing or lamay, idino-donate na lang para magamit ng mga kababayan nating mga kapus-palad.
Pero iba ang pakwari ni Direk Frasco Mortiz nang makausap namin siya. Medyo eerie ang mga eksenang burol nila sa shooting kapag kinukunan na. Feeling ni Direk, baka nga nagamit na ang ataul na ginagamit nila sa mga eksena.
Pero sa shooting nila sa Pila, Laguna, may ilang mga insidente na ang mga bombilya ng mga ilaw na gamit nila sa set ay nagputukan gayong wala namang rason.
Baka nga may naiwanan ‘yong namatayan sa hinigaang kabaong na sa hindi mapaliwanag na kaganapan, hindi lang sa set ang medyo may mga eksenang “multuhan”. Dahil maging ang mga bidang sina Kathryn at Daniel, may nakapangingilabot na experience ng “pagmumulto” matapos ang shooting nila one evening.
Kuwento ng dalaga sa presscon ng pelikula, “Galing kami sa shooting. Then I took a shower, then ginamit ko ‘yong blower ko dahil ayaw ko matulog na basa ang hair ko. Then kao-off ko lang ng blower, then after a few seconds, bigla itong nag-on. Napalingon ako sa kinalalagyan ng blower,” kuwento niya.
Same time na halos magkasabay, si Daniel naman, galing din ng shooting then may narinig na may gumagaya ng sipol niya. Lumingon siya para hanapin kung sino ‘yong gumagaya ng pagsipol pero wala siyang makita.
“Baka sumunod ‘yong kaluluwa sa amin. Sabay halos kaming naka-experience nang ganu’n,” kuwento niya.
Si Kathryn, takot na takot kapag multo na ang pinag-uusapan at hindi ito makatulog lalo pa’t kapag sa totoong buhay ay galing sila sa isang lamay ng patay (kamag-anak man or otherwise). Matatakutin ang dalaga.
Sa pelikula, ‘yong gamit na karo ng patay na minamaneho ni Daniel ay totoong karo na inupahan nila mula sa isang funeral parlor.
Reyted K
By RK VillaCorta