Mas matured na raw sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Mula nang nagpahinga sila saglit at hindi na napanonood sa telebisyon, nag-concentrate ang dalawa sa kanilang personal activities.
Gumawa sila ng pelikula sa abroad na ipalalabas na sa September 14 na halos ang kabuunan ay sa Barcelona, Spain pa sila nag-shooting.
Sa mga hindi nakaaalam, ang Barcelona ang kilalang “art capital” ng Spain, kung saan nakaiimpluwensiya ang old buildings, arts shops, at ang buong kapaligiran para ma-in love ka pa lalo.
Kuwento ng isang Star Cinema insider, sa shooting ng kanilang pelikula, mas ‘di hamak na nag-level up na ang dalawa sa kanilang mga imahe.
“Maging sa kanilang mga ikinikilos, you do not have to ask kung sila ba talaga, dahil wala ngang admittance, ‘di ba?” sabi sa amin.
Sina Daniel at Kathryn, mas matured na raw sa muling pagharap nila sa kanilang fans via the film.
Pero mas nauna na yata ang pagle-level up nila nang kunin silang endorser ng CDO’s San Marino corned tuna.
Sa shoot ng pictorial at TVC ng dalawa, pansin ng mga nakakita at nandudu’n na iba na nga ang dalawa. Hindi na sila ‘yong tipong “getting to know” ang level dahil mas kompartable na sila pareho sa isa’t isa.
Iisipin mo na mas open na silang dalawa sa iba. Hindi na itinatago ang pagho-holding hands, ang akbay ni DJ (Daniel) kay Kathryn ay madalas na kahit sa harap ng ibang mga tao.
Sa mga hindi updated sa love team ng KatNiel, sila ang maituturing na pinakasikat na love team sa bansa ngayon, at walang-dudang isa rin sa pinaka-sweet, on and off-cam.
Kuwento sa amin ng personal friend ni DJ, ang reporter na si Dominic Rea, pihikan daw ang bagets sa kanyang kinakain na bukod sa pizza at friend chicken, naka-stock ang corned tuna sa pantry nila na siyang kadalasang inilalambing ng binata sa kasambahay na ipagluto sa kanya.
Sa isang interview sa binata tungkol sa kanyang kalusugan, “Naglalaro po ako ng basketball as my exercise kapag may time. Kaya sa bahay,nagpatayo si Mama ng basketball court.”
“Good for the heart, less oil more tuna. Mayaman sa Omega 3 at DHA at good for the heart and brain,” nangingiting sambit pa ni Daniel tungkol sa kanyang endorsement.
In fairness, I love to cook. At ako rin kapag trip kong magluto ng tuna pasta, itong brand ang gamit ko na less oil. Yes, I proclaim that I am a good cook. Hahaha!
Reyted K
By RK VillaCorta