NO MATCH pala itong si Marian Something kina Daniel Padilla at Katrhyn Bernardo. The ratings of her soap’s pilot episode is very disappointing. Napakalaki ng lamang ng teleserye nina Daniel at Kathryn sa soap niya, ‘no, talagang pinakain siya ng alikabok.
In the Kantar Media PH and AGB Nielsen ratings for January 27, 2014 ay tinabunan ng The Legal Wife ang Carmela at Rhodora X. In the Kantar Media ratings survey Marian’s soap got 14.4 na kalahati lang ng G2B na nakakuha ng 29.8% . Angel’s The Legal Wife got 21.0% as compared to Rhodora X’s 11.0%.
In the AGB Nielsen result, G2B got almost 28% while Carmela earned only 18.1%. The Legal Wife posted a rating of 23.9 sa Mega Manila while Jennylyn’s soap got 15.8%.
So, EPIC FAIL pala ang PR efforts ng GMA PR Head na si Angel Javier. Kahit na ano’ng gawin nila ay hindi pa rin nila mapataob ang shows ng ABS-CBN. Eh, ano’ng silbi mo, Angel, and your minions, kung magiging palaging kulelat ang shows ng Siyete? Is it what you’re being paid for?
At hindi rin pala nakatulong na naging trending topic ang Carmela noong pilot episode nito. Wala palang epekto ‘yon sa ratings.
Ang nakakaloka pang nakita naming naka-post sa isang Facebook fan page account, tila sinisisi pa ang Carmela head writer na si Suzette Doctolero dahil busy raw ito sa pagtatanggol kay Deniece Cornejo kaysa sa pagpo-promote ng Carmela. We beg to disagree kasi nakita namin na panay rin ang promote niya ng soap ni Marian. The sad thing is, EPIC FAIL din siya tulad ni Angel.
Ano ba ‘yan, kaba-Bagong Taon pa lang ay tila me dala ng malas ang 2014 kina Marian at sa GMA 7. Teka, hindi ba’t si Marian ang Primetime Queen ng Siyete. Anyare?
At dahil semplang sa rating ang pilot episode ng kanyang soap ay MISNOMER ang tawagin siyang Primetime Queen.
Enough of the hype Angel Javier and your minions. The televiewers have spoken.
KAHIT NA ano’ng gawing PR effort ng TV5 PR head na si Peachy Guioguio and her minions like Judy Something and Lhot Something ay hindi pa rin umangat-angat ang rating ng Kapatid Network shows.
Wala pa ring binatbat ang mga shows ng TV5 at palaging nangungulelat sa ratings, making them truly the number three network in the country.
We wouldn’t like to think na me dalang malas itong si Peachy and her minions dahil ang tagal na nilang pini-PR ang mga shows ng TV5, pero sablay pa rin sila, wala pa rin silang napapa-rate nang husto. Palaging talo ang ratings ng mga shows nila.
Eh, kasi naman, parang palaging may mali sa PR strategy ni Peachy. Parang hindi siya natuto sa PR machinations ng Dos kung saan siya galing dati. Nu’ng nasa GMA 7 pa siya, medyo angat pa ang mga shows ng Kapuso Network. Pero nu’ng napunta siya sa Singko, parang kinapitan siya ng malas.
That said, we feel na since tila inutile si Peachy bilang PR, dapat sigurong mag-isip ang TV5 na palitan na siya, ‘no. Sayang ang ibinabayad sa kanya ng Singko!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas