AYON SA box-office director na si Cathy Garcia-Molina, si Daniel Padilla na bida ng pelikulang The Hows of Us (with Kathryn Bernardo) ang itinuturing niyang bagong John Lloyd Cruz ng buhay niya.
Bakit nga ba niya ito nasabi?
“Nakakaaway ko na po siya. Di ba po, the closer you get to a person, mas nag-aaway na kayo, nagkakaroon na kayo ng dahilan na mag-away kasi nga, hindi na trabaho lang. Nagiging personal.
“So, nasasaktan na niya ‘ko, nasasaktan ko na siya. Kasi kung trabaho lang, pakialam ko sa kanya,” paliwanag ng lady director.
Agree naman si Daniel sa tinuran ni Direk Cathy.
Aniya, “minsan, nakakalimutan naming nagtatrabaho kami, eh. Tropahan lang kami du’n, eh. May ganu’n, eh. So minsan, ‘opps, sobra na, mali pala ’ko.’”
Nag-away na rin daw sila for the first time at nangyari pa ito sa Amsterdam habang nagsusyuting sila ng pelikulang The Hows of Us.
Pag-amin ni Direk Cathy, “Ako po kasi talaga, matampuhin. I’m a very sensitive person. Sensitive in a bad way and in a good way. So, may mga panahon na nao-offend na ako ni Daniel na hindi niya alam.
“But because, he is Daniel to me, pero kung ibang tao gumawa nu’n, ibang artista, hindi ako masasaktan. But because he is Daniel sa akin, nasaktan ako. Kasi hindi dapat ginagawa ng isang kaibigan sa akin ‘yun. Parang ganu’n.”
Showing na ang The Hows of Us sa August 29. Introducing sa pelikula ang singer na si Darren Espanto.
La Boka
by Leo Bukas