“SOBRA AKONG happy, kasi hindi pa ako artista, Clay Doh na ang ginagamit ko. Tapos imagine, ngayon ikaw na ‘yung endorser? So, sobrang ewan ko, nakakatuwa! Sobrang nakakatuwa!”
Ito ang pahayag ng Teen King na si Daniel Padilla sa Bench Quick Fix Styling & Fashion Show na hatid ng Bench na ginanap sa TriNomaActivity Center last Saturday night.
Kuwento nga ni Daniel, Grade VI pa lang pala ay ginagamit na niya ang Bench Fix Clay Doh (Molding Clay) sa kanyang buhok at hanggang ngayon ay ito pa rin ang paborito niyang gamitin. Ito pala ang sikreto ng kanyang always perfectly groomed hair.
Sobrang saya ni Daniel sa ‘di mabilang na dami ng tao na um-attend ng araw na ‘yun na nagtiyagang maghintay sa kanyang pagdating. Kaya naman daw pasasalamat ang nais niyang iparating sa lahat ng kanyang mga supporters na nandoroon.
Upgrade, Mich ng Jamich, Pabebe Girls, Yaya Dub, at Teejay Marquez pangungunahan ang 1st Social Media Artist And Celebrity Awards 2015
MAGAGANAP ANG engrande at bonggangu-bonggang 1st Red Carpet Glamour Night ng SMAC Social Media Artist and Celebrity Awards 2015 ngayong araw July 31, 2015 7pm, sa ballroom ng Eurotel North Edsa, Quezon City.
Ilan sa tatanggap ng Social Media Artist and Celebrity Awards 2015 ang Dubsmash King na si Teejay Marquez na sikat ngayon sa Indonesia, Malaysia, at Japan dahil sa kanyang video na Gwiyomi at ngayon ay sa kanyang Dubsmash ng Twerk It Like Miley; Main Mendoza aka Yaya Dub, ang Dubsmash Queen na sumikat sa kanyang kakaibang Dubsmash na ngayon ay regular na napapanood sa Eat Bulaga; Upgrade boyband na sumikat sa Twitter at binansagang Twitter Cuties/ Trending Cuties at ngayon ay kabi-kabila ang endorsements.
Tatanggap din ng award si Michelle Liggayu, ang other half ng yumaong si Jam Sebastian na mas kilala as Jamich, Yexel Sebastian, Pabebe Warriors, Pabebe Mamon, Level Up, Rogean Delos Reyes, MJ Cayabyab, Greco Gonzalo, Shiners, Cyber Royalties, Chelica, Lyndon Hae, Byron Anasco, Hype 5ive, at Team Horror.
The Mike Bon Gang, may sarili nang album
NAGING MATAGUMPAY ang naging launching ng 1st Album ng The Mike Bon Gang or TMBG under GMA Records na kinabibilangan nina Cholo Escano, Mike Bon, at Jonathan na ginanap sa Jills BGC, Taguig City.
Nakapaloob sa album ng TMBG ang mga sure hit songs na “Umaasa Pa Rin Ako”, “Kapiling”, “Never Let Me Go”, “Abutin”, “Kahit Malayo”, “Relax”, “Agos”, “Slippin Away”, “My Side”, at “Isigaw”.
Sumuporta sa launching ng TMBG ang singer/ composer/ actress na si Sheryl Cruz, kung saan kaibigan nito ang isa sa member ng nasabing bandan na si Mike.
Nag-enjoy nang husto sa music of the 80’s na tinugtog ng TMBG ang mga taong dumalo sa kanilang launching at na-in love naman sa kanilang awitin mula sa kanilang album.
John’s Point
by John Fontanilla