Naging viral sa social media ang kuwento sa pagiging “uncut” or hindi tuli ni Daniel Padilla noong Sabado ng umaga.
Nagising kasi ako ng mga alas-sieyete ng umaga na naalingpungatan ako. Nag-check ng Facebook account ko, at hayun, tumambad ang tampered headline na “Daniel Padilla, Walang Balak Magpatuli” na ginamit pa ang ABS-CBN. com website para lang sa mga makababasa at iisipin na totoo ang balita, dahil reputable news source ang pinagmumulan ng online story.
Pero pag-click mo naman sa link, kung hindi nag-o-open, kadalasang dini-direct ka sa isang link na wala naman o hindi related sa istorya na gusto mong mabasa.
Sa pambibiktima ng “trolls” sa bagets star ng Kapamilya Network, imbes na may istorya ka na mabasa tungkol sa pagiging “uncut” o hindi tuli ng binata, redirected sa isang online story tungkol kay President-elect Rodrigo Duterte.
Kaya nga kung hindi mo alam ang mga gawain ng “trolls” na ito na dumami noong nakaraang eleksyon dahil sanay sila sa mga “sinalsal” na mga kuwento, mga black propaganda na mababasa mo na lang online, at hindi natsi-check or nagbe-verify ng credibility ng source, ay magugulat ka.
Siyempre kung hindi mo alam na may ganitong kananapan ngayon online at sa social media, mapaniniwala ka without checking ang source ng istorya ay “sinalsal” at isang istoryang walang katotohanan.
Pero may warning na ang step-dad ni Daniel na si Mike Planas na naka-post sa kanyang Instagram account: “To those of you who are part of the prank on and bulling my step-son Daniel Padilla here on FB and even using ABS-CBN News supposedly the source (at corny na, baduy pa ang humor) KONTING INGAT LANG (in all caps). This is a fair warning.”
But on the lighter side, ang mga beki, naging topic ng huntahan nila ang istorya na kumalat sa social media last weekend.
Kesehodang “supot” pa rin daw si Daniel ay kebs nila as long as si Daniel Padilla ang hinahada nila.
Sa ibang mga tao o kultura, oks lang na uncut or uncircumcised ang isang lalaki.
Sa ibang Asian countries like Thailand and Laos, wala silang keber kung tuli o hindi ang mga lalaki nila. Lalo na sa Bangkok, kapag nagpunta ka sa Patpong-Suriwongse area, sa mga gay bar, ang mga lakaki nila na nagpapakita ng kanilang “notes” ay mga uncut, pero wala lang kung hindi man sila tuli.
Reyted K
By RK VillaCorta