MAGKAHALONG KABA at excitement daw ang nararamdaman ng tinuturing na pinakasikat na young actor sa bansa na si Daniel Padilla sa kanyang nalalapit na concert sa April 30, 2013 na magaganap sa Smart Araneta nang makausap namin ito nang mag-guest ito sa Walang Tulugan With the Master Showman at bisitahin ang kanyang Ninong German Moreno sa GMA Annex Studio 6.
“Kinakabahan po ako, kasi Araneta Coliseum na ‘yun! Kumbaga, ibang level na . Hindi ko kasi inaakala na darating ‘yung time na makapagpe-perform ako sa Araneta , tapos concert ko pa.
“Pero excited din ako, kasi first time kong magkakaroon ng solo concert at sa Araneta pa. Kaya paghahandaan ko talaga ito para na rin sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin.”
Anong title ng Concert mo? “Hindi ko pa alam kung ano ang tilte pero ang alam ko lang, sa April 30 na siya.”
Anong nabago sa ‘yo ngayong sikat na sikat ka na? “Dati kasi tumatambay lang ako sa Greenhills, ‘di ba, Ninong Germs? Kasi tambay ka rin sa Flapjacks Restaurant, hahaha! Pero hindi na ngayon, medyo busy na. Naalala ko pa ‘pag nasa Greenhills ako, alam kong nandu’n si Ninong Germs at ‘pag nandu’n siya, siguradong may pera si Daniel, hahaha! Kasi ‘pag nakita ako ni Ninong Germs sa Greenhills, binibigyan niya ako ng pera. Kaya masaya ako lagi, kasi alam ko ‘pag nakita ko siya doon, may pera ako, hahaha!
“Pero ‘yung nabago sa akin? Wala naman. Kasi kung ano ako nu’n, ganu’n pa rin ako ngayon. Pero kung dati, medyo salbahe ako, hahaha! Ngayon, nagbago na ako, hindi na ako salbahe. Joke lang, hahaha!
“Wala naman sigurong pagbabago maliban sa hindi na ako masyadong nakapupunta ng Greenhills, kasi medyo busy na rin sa dami ng trabaho. At kung ano man siguro ‘yung nangyayari sa akin ngayon, very thankful ako. Kasi hindi lahat, nabibigyan ng magandang pagkakataon ng katulad sa akin.
“Kaya naman kahit puyat na, kahit pagod na sa dami ng trabaho, nagtatrabaho pa rin ako nang mahusay, hindi lang para sa akin, kung hindi para na rin sa pamilya ko,” pagtatapos ni Daniel.
HINDI MAIPINTA ang expression ng mukha ng dalawang bida na sina Teejay Marquez at Arkin Del Rosario nang tanungin tungkol sa isyung sinagip nila si Via Veloso sa shooting ng Pagari (Mohammad- Abdulla) at nahubaran ng panty. Natatawa sila na nahihiya. May bagyo kasi that time at nagsi-shoot sila sa Tanay, Rizal nang mahulog sa bangka si Via.
Inanod ng baha ang panty ni Via pero nailigtas naman ang buhay niya.
Kahit sina Teejay at Arkin ay muntik nang malunod nang biglang tumaas ang tubig nang inulan sila sa location.
Anyway, sa March 19 ang premiere night ng Pagari sa SM Megamall Cinema 7 at ang regular showing nito ay sa March 20. This film tries to show the misconception of Muslims, the true meaning of friendship and the love of Allah. Pagari is produced by Goldmine Entertainment Productions and directed by Robby Tarroza and Bing F. Nellasca.
Sey ni Robby, parang peg ito ng Thailand movie ni Mario Maurer na Love of Siam.
Bukod kina Teejay at Arkin, kasama rin sa pelikula sina Mel Martinez, Bekimon, Via Veloso, Marlon Mance, Mark Anthony Malana, Rose Jordan, Iñigo Cruz at Fiona Mickenzi.
John’s Point
by John Fontanilla