NANG MAGBALIK Pinas sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pagkatapos ng show nila sa US, mas lalong na-develop ang feeling nila sa isa’t isa. Nagkaroon sila ng time na makapag-bonding together, mamasyal, kumain at mag-shopping. Walang mga fans na pinagmamasdan ang kilos at galaw ng mga ito, feeling free, ‘ika nga.
Habang nagtatagal, nagiging serious ang relationship mayroon sina Daniel at Kath. Mararamdaman mo ito sa mga eksena sa bago nilang teleserye sa Kapamilya Network. Kahit hindi aminin ni Kathryn, very much in love ang dalaga sa kanyang prince charming na si Daniel. Oo nga’t mga eksena lang ‘yun sa serye, pero hindi p’wedeng magsinungaling ang mga mata ng dalaga. Kakaiba kapag nag-uusap na ang mga mata nila, may sparkle kaming nakikita.
Maging si Daniel ay nadi-develop na rin kay Kath. Alam nating sa umpisa, bini-build-up sila as loveteam. Kinagat ng publiko at nagkaroon sila ng hukbo ng mga tagahanga na hanggang ngayon ay patuloy na sumusuporta sa bawat pelikula at seryeng ginagawa ng KathNiel. Magka-loveteam, kailangang pakiligin ang mga fans. Ipakita sa mga ito kung gaano sila ka-sweet behind the camera kahit hindi totoo. Noon ‘yun, hindi na ngayon.
Ilang beses na nga bang nag-sorry si Daniel kay Kath sa mga palpak na nagawa nito. Palibhasa mahal ng dalaga ang young actor kaya madali niya itong patawarin. Normal lang sa isang nagbibinata na magka-crush o magkagusto sa ibang babae aside kay Kathryn. Mahaba pa ang tatakbuhin ng loveteam ng dalawa, hindi pa nila kayang lumipad mag-isa. Kailangan nila ang isa’t isa kaya magtatagal pa ang kanilang tandem. Sa ngayon, walang karapatan si Daniel ma-in love o ma-link sa ibang babae, dahil makasisira ito sa loveteam nila ni Kathryn. ‘Yan ang ayaw mangyari ng management ng Kapamilya Network.
AFTER MONTHS of searching, Miss Teen Earth Philippines trademark owner, Vas Bismark found 40 young earth champions with the heart of service, love humulity and the values of non-violence. These young ladies from all over the archipelago are not only beauty queen hopefuls but young earth advocates with a passion for the conservation, preservation and the protection environment.
Forty of the country’s elite girls compete for the title of MTEP and MEP. They are among the hundredss who auditioned around thr country to show what they are – the epitome of beauty and brains. As young as they are, they already serve as an inspiration, being advocates of Mother Nature.
Ayon kay IC Mendoza and Bismark, mas marami ang nag-participate this year, more than hundreds all over the Philippines. It’s always a journey, always a surprise every year dahil sa daming gustong mag-join sa pretigious pageant, Miss Teen Earth and Little Miss Earth. Now on its second year, Bismark and IC promises to become bigger and brighter while staying true to its roots and its goal of uniting Filipinos to become active guardians of the environment treasures of the Philippines.
Pagkatapos ng first activities ng mga candidates for this April, they will be sending them home to their respective provinces para makapag-start their chosen environmental advocacy. They must execute this advocacy in their local community before they all head back to Manila for the road to the coronation. This year, the grand coronation night will once again be televised on GMA-7.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield