WALA AKONG pakialam kung worth P100 million man ang deal kay Daniel Padilla ng kampo ni Mar Roxas sa mapapanood mo sa YouTube at social media ngayon sa kiyemeng Question and Answer ni bagets sa senador na nangangarap na maging presidente ng Pilipinas.
Tama ang ginawa ng kampo ni Roxas na kunin ang serbisyo ni Daniel dahil tulad ng mga product endorsements ng binata, malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa mga milyun-milyon niyang mga fans na hari nawa’y naiintindihan niya ang magiging consequences ‘pag nagkataon.
Ewan ko kung alam ni Daniel ang tunay na isyu na kinasasangkutan ng iniendorso niya? Halata naman na very tame ang tanong ng “kabataan” na nire-represent daw niya. Super scripted (sorry nakalimutan ko na bayad pala ang Q and A na ‘yun).
Hindi ko alam kung alam ni bagets ang katotohanan sa mga kaganapan sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda at ang milyun-milyong mga ayuda ng international communities na magpasa-hanggang ngayon, hindi maipaliwanag ng kampo ni Roxas sa pamumuno ng kanyant presidente na si Noynoy Aquino. Hindi lang naman kasi superficial ang tanungan kung totoong alam niya ang mga kaganapan.
Alam kaya ni Daniel ang involment ni Roxas sa Zamboanga Siege? Ang isyu kung bakit inaangkin ng Tsina ang ilang pulo sa West Philippine Seas na dapat itinanong din niya sa kanyang subtle na pag-iendorso kay Roxas?
Nagtataka lang ako kay Daniel kung bakit niya ginawang hanap-buhay ang pag-eendorso niya ng pulitiko (si Roxas man o kahit sino). Hindi ako magtataka kung halo-halo ang reaksyon ng mga fans niya sa pagpasok niya sa negosyo ng pangangampanya. May mga fans siya na dismayado. Mayroon namang ilan na keber lang ang reaksyon.
Ang alam ko, bawal sa mga artista ng ABS-CBN at Star Magic ang mag-endorso ng pulitiko. Alam ko, okey lang na umakyat sila sa entablado para mag-perform, pero ang endorsement is a no-no.
Hindi pa ba sapat ang kinikita niya na milyones sa pag-eendorso ng fried chicken, softdrink, cellphone, at kung anu-ano pa para masunod ang layaw ng pamilya niya na umaasa sa kanya?
Hari nawa’y tama desisyon ng binata sa ginawa niyang ito, o baka gusto ni Daniel mag-join sa parlor game na “The Boat is Sinking” na para siguradong mas yayaman siya at sinisigurado lang niya na sa pamamaalam ng kasikatan niya, kebs nga naman basta ang mahalaga, milyonaryo siya hanggang sa pagtanda niya kahit laos na siya.
Reyted K
By RK VillaCorta