Kaloka pala ang mga showbiz personalities na sumusuporta sa pinaniniwalaan nilang mga kandidato sa darating na eleksyon sa May 9.
Sa mga naniniwala kay Mayor Rodrigo Duterte, free pala ang mga endorsements nila, maging ang pagsampa nila sa entablado to perform during Duterte’s campaign sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay kung hindi man gratis o libre, ay super baba ang pera na naibibigay sa kanila.
“Actually, pang-gasolina lang,” kuwento ng source namin.
Maniniwala ka na na sa mga live shows ay binabayaran si Aljur Abrenica ng P150-P200 thousand sa pagsampa niya sa entablado, pero sa campaign rally ng sinusuportahan niya, P2,000 pesos lang ang iniaabot sa kanya at okey lang para sa binata.
Sa recent Hong Kong campaign, kung saan bitbit siya ng iniendorsong presidentiable, ang kinita lang ni Aljur was P5,000 na para sa kanya ay ayos lang na sa puntong gusto niyang matulungan ang kandidatong pinaniniwalaan niya.
Pero dahil campaign season, panahon ito ng “raket” na maliwanag na pera. In short ay mas doble o triple ang singil ng mga artista dahil minsanan lang naman ito at kina-kartel pa na kung kay Duterte ka ay hindi ka na puwede sa kampanya ni Mar Roxas.
Ang balita, si Daniel Padilla, worth P10 Million lang ang ibinayad diumano ng kampo ni Mar na misis niyang si Korina Sanchez ang nakipag-deal.
Sayang, nahuli si Bongbong Marcos na nag-offer naman ng P25 million para sa serbisyo ng teen star.
“Naku, kung p’wede lang mag-change ng mind ang ina at wala lang kontrata, malamang from Mar magiging pro-Bongbong si Daniel Padilla,” kuwento ng isang insider ng kampo ni BBM.
Reyted K
By RK VillaCorta