ALL CLUES LED to Daniel Padilla sa isang blind item na lumabas kahapon sa entertainment blog na fashionpulis.com. Kulang na nga lang, pangalanan ang sikat na sikat na Kapamilya matinee idol sa entry nitong “Star Actor’s Alleged “Drunk” Performance”.
Sabi nga sa comment ng isang ‘anonymous’, nasa title na ang clue ng initials – Drunk Performance, DP. Kahit ang ‘star’ sa title ay tila pahiwatig na Star Magic talent ang tinutukoy sa blind item.
Sa nasabing blog entry, naimbitahan umano ang ‘star actor’ na mag-perform sa isang corporate event. Nagpakuha ng litrato ang isang top official (TO) ng kumpanya kasama ang aktor.
Sabi pa sa blog, “SA (star actor) was only too privileged for the opportunity as TO belongs to the top management of the company. TO then posted their photo on the social networking site. There were some comments, as expected. TO reacted to a particular comment saying that SA was allegedly drunk when he performed before a crowd of 20,000.”
Ayon sa reaksyon ni TO sa isang komento, “Deins eh, nahiya bigla. HAHAHA pare kumanta siya in front of 20,000 people… ng lasing.”
Sa paglalarawan ng nasabing blogsite, ang nasa blind item ay “hottest young performer today. He has risen to such popularity that girls swoon over him, and companies want him to perform for their events. Those who can afford SA’s services, paying hundreds of thousands for a few songs is worth it. His mere presence is a sure crowd drawer. SA is getting big breaks left and right: huge chunk of endorsements, tv projects, shows here and abroad – such achievements surpassing even those of his relatives’.”
Kung hindi si Daniel ang pinatutungkulan ng blind item na ito, sino kaya? Kung totoo namang si Daniel ito, gaano ito katotoo? Ano kaya ang magiging reaksiyon ng kanyang mother studio sa ganitong klaseng balita? Gagana na namang tiyak ang spindoctors ng network para sa damage control.
Para sa amin, ipinakikita lang ng pangyayaring ito ang pagiging ‘ordinaryong tao’ rin ng mga celebrity natin. Nasa isang malaking event si Daniel, kung saan bumabaha ang nakalalasing na inumin. Nasa tamang edad na rin naman ang aktor, at nasa tamang pag-iisip para gawin ang sa tingin niya ay puwede na niyang gawin. Kadi-disiotso lang niya noong April 26, ‘di ba?
‘Yun nga lang, sa stature niya ngayon bilang pinakasikat na batang actor/performer ng bansa, dapat iniingatan din ni Daniel ang kanyang mga kilos sa harap ng publiko. Lalo’t hindi matatawaran ang dami ng humahanga at umiidolo sa kanya. Hindi nga naman magandang halimbawa sa tulad niyang kabataan, kahit sabihin pang ‘may lisensiya’ na siyang uminom ng alak. ‘Yun na!
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores