AKMA LANG siguro na maging aktibo ang mga showbiz personalities natin sa kanilang social media lalo pa’t kailangan ng ating gobyerno ng tulong sa pagpapalaganap ng mga impormasyona para sa kaalaman ng lahat.
Si Erich Gonzales na first time voter, nag-post sa kanyang Instagram account ng photo sa kanyang pagpaparehistro sa COMELEC.
Ang showbiz sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nagmukhang fans day ang COMELEC Quezon City nang magparehistro ang dalawa na sanrekwang fans nila ang nag-create ng traffic sa area.
May infomercial si Daniel at nananawagan tungkol sa pagpapatala ng mga new voters which is a nice gesture sa tulad niya na maraming mga kabataang tagahanga na malamang, malaking porsiyento ay first time voters come May 2016.
Pero maaga pa lang, umi-eksena na ang ka-chummy ng nanay niya (Karla Estrada), na ang pangarap ay maging “lingkod bayan” daw sa isang distrito ng Quezon City named Tates na pakalat-kalat sa loob ng COMELEC office na ilang beses naming nakita na na-capture ng kamera ng ABS-CBN News, sa pagpa-register ni DJ as a first time voter.
Sana, bilang isa sa may malaking impluwensiya sa nakararami, lalo na sa mga kabataan, maingat si Daniel sa “political endorsement” or ma-attach ang pangalan niya sa kung kani-kaninong mga kandidato.
Reyted K
By RK VillaCorta