MATAGUMPAY NA idinaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang 5th Star Awards for Music sa isang maningning, mabituin at makulay na gabing nilahukan ng mga alagad ng musika sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino noong Linggo ng gabi, Oktubre 13, 2013.
Pinatunayan ni Sarah Geronimo na siya ang karapat-dapat tanghaling Female Recording Artist of the Year, samantalang sinungkit ni Jed Madela ang Male Recording Artist of the Year award.
Ipinagkaloob naman sa ‘Sa Isang Sulyap Mo’ ng 1:43 ang Song of the Year at ang Album of the Year ay kinuha ng ‘Mga Kuwento ng Makata’ ni Gloc 9. Nagsilbing hosts sina KC Concepcion, Xian Lim, Erich Gonzales at Billy Crawford.
Sa opening number, binuhay nina Gloc 9, Richard Poon, Young JV, Kean Cipriano, Jed Madela at Rico Blanco ang entablado sa kanilang masayang pagtatanghal. Naging madamdamin naman ang tribute na ipinagkaloob sa Lifetime Achievement Awardee na si Freddie Aguilar, dahil sa makapanindig-balahibong awiting ipinagkaloob ng Final Four of the Voice of the Philippines na sina Myk, Janice, Klarisse and Mitoy na sinamahan pa ng mismong awardee na si Freddie Aguilar.
Hindi naman nagpatalbog sina Erik Santos, Sam Concepcion, Rahda, Angeline Quinto, and Vina Morales sa kanilang tribute sa Icons of Original Pilipino Music sina Imelda Papin, Rey Valera, Rico J. Puno, Dulce, Vic Sotto at Sampaguita.
Isang Special Citation naman para sa kanyang Christmas album na ‘Going Home To Christmas’ ang ipinagkaloob kay Jose Mari Chan. Natanggap naman ng 1:43 ang McJim Style of the Night at kay Billy Crawford naman napunta ang McJim Gentleman of the Night.
Tinanghal na Male Star of the Night si Bryan Termulo at si KC Concepcion ang Female Star of the Night. Isang espesyal na musical number naman mula sa Pop Princess na si Sarah Geronimo ang nagpayanig ng buong Grand Balroom sa dami ng mga tagahanga niyang present nang gabing iyon.
Wagi naman si Daniel Padilla ng 2 award – Pop Album of the Year at New Male Recording Artist of the Year. Dance Album of the Year ang Best of the Teen Pop Idol /Eurika , Best New Female Recording Artist naman si Julie Anne San Jose. Mapapanood ang kabuuan ng PMPC 5th Star Awards for Music sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa ika-20 ng Oktubre, sa ganap na 11:00 ng gabi. Mula ito sa Airtime Productions ni Tess Celestino and directed by Al Quinn.
DUMALO SI Jacky Woo sa 18th Busan International Film Festival sa Busan, South Korea na nagsimula noong October 3 hanggang October 12. Isang prestiyosong film festival sa Asya ang BIFF na counterpart ng Cannes sa Europe. Kaya dinadaluhan ito ng malalaking filmmakers at artista mula sa iba’t ibang bansa. Todo-suporta ang ibinibigay ng gobyerno ng Busan at ilang mga malalaking kumpanya rito.
Dumating si Jacky sa Busan noong October 9 in time sa special screening ng Death March. Sa screening ay nagkaroon ng Q&A at maayos na nasagot ni Jacky ang mga questions with Direk Adolph Alix, Jr. Nagkaroon ng interes ang mga nanood lalo na ang young viewers. Sa November ay sa Thailand naman ang next screening ng Death March.
Nagkaroon ng meeting with Jacky Woo sa chairman ng BIFF at sa mga Korean filmmaker. Nagkaroon tuloy ng interest si Jacky na gumawa ng isang indie film sa Busan next year na. Korean ang tema ng istorya pero may mga Pinoy siyang ika-cast.
Sa closing ceremonies ng Busan International Film Festival ay rumampa sa red carpet si Jacky Woo kasama si Direk Adolph Alix, Jr. Na-meet din ni Jacky ang isang Korean actor na si Yoo Tai Lin.
WAGI ANG model/rapper na si Aeron Cruz sa katatapos na very successful na “Top Hunks 2013” na ginanap sa P2 Bar sa Cubao, Quezon City, kung saan nag-uwi ito ng tumataginting na P15k, Swatch watch, atbp.
First runner-up naman si Septer Maniclang, habang second runner-up naman si Angelito Alcantara. Naging espesyal na panauhin ang magaling na Kapuso singer na si Jonalyn Viray at ang mga hurado ay binubuo nina Mike Nene, Raymond Ko, Christian Diamzon at ng inyong lingkod.
Ilan sa nagsilbing sponsors ng Top Hunks 2013 ang mga sumusunod: Dental First, Grips styling wax, Rejuv Ginseng Soap, Click Ave. Studio, Lara’s Salon, atbp. Produced by K5 na binubuo nina Janjep Carlos, Richard Ariel Amben ,Kian Rangel, Robis Jr Duque, Lervin Daza, Ariel Acupan, Vince Santos , Joemy Lampago, Mark Henry Catana, Benji De Guzman, Kiko Andrews and Ariel Manuel.
John’s Point
by John Fontanilla