GUSTO KONG sabunutan sa pubic hair yung nagpakalat ng audio scandal ni Daniel Padilla. Wala naman kasing isyu, kung wala namang isang “traydor” sa mga barkada ni Daniel.
Actually, mas maginoo pa nga itong hinarap ni Daniel para matapos na. Inamin na niyang boses niya ‘yung parang prenteng-prenteng nagsasalita sa harap ng pinagkakatiwalaan niyang mga barkada.
Nag-sorry na siya. ‘Wag na raw idamay pa ang ibang tao na siya naman ang bukod tanging may kasalanan. Malaki ang natutunan niya sa kanyang pagkakamali, kaya asahan nang kahit ang ibang barkada ay maninibago kay Daniel, dahil hindi na ito basta-basta makikipagtsikahan.
Talaga lamang gago ‘yung nagpakalat at alam kong kilala ito ni Daniel at ewan kung itutuloy pa niya ang pakikipagbarkadahan dito.
At this point, tapos na ang isyu. Inamin na ni Daniel ang kasalanan, pero patuloy pa rin sa kanegahan ang ibang netizens by posting comments like, “So talagang niloloko lang niya si Kathryn at si Jasmin Curtis talaga ang gusto niya at pinanginginigan ng tumbong niya?”
At kung anu-ano pang comment na alam mong mga bashers ni Daniel na kahit nga naman anong gawin nu’ng tao, kung hindi mo talaga siya gusto eh, bulag sila sa mga kagitingang gagawin at sasabihin ng Teen King.
‘Ika nga eh, this too shall pass. Hindi lang naman si Daniel ang nagiging biktima ng ilang netizens. Lahat halos ng artista, merong bashers.
Ang importante lang naman dito ay tanggap ni Daniel ang gasgas nang linyang “everybody is entitled to their own opinion at ang isa pang gasgas nang linyang, “you can’t please everybody.”
KUNG AKO naman ang tatanungin, kahit kami’y napakaraming bashers, lalo na sa Twitter. Halos i-deactivate ko nga ‘yang micro-blogging site na ‘yan dahil sobra akong laitin noon ng ibang fans ng isang youtube singing sensation.
Nandyang gusto nila akong mamatay na hanggang sa umabot na sila sa paggawa ng hashtag na #PokpokAngInaNiOgieDiaz na take note, minsan na nga lang ako mag-trending, ‘yun pa mismo ang nag-trend. Hahahaha!
Alam n’yo bang dine-deactivate ko na ang Twitter ko, pero ayaw gumana ng deactivation. Sabi ko sa sarili ko, “Ah, ang ibig sabihin nito, ‘wag kong tanggalin.” Hanggang sa may isang kaibigang nagsabing, “Hayaan mo ang mga bashers. Matatapang lang ‘yan sa Twitter kasi hindi mo sila kilala.”
At oo nga, napansin ko nga rin na puro ang mga bumabanat sa akin, ang profile pic sa Twitter ay puro “itlog” at halatang kao-open pa lang ng kanilang Twitter account dahil wala pang masyadong followers at ilan pa lang ang number of tweets.
Feeling ko nga, nagbukas lang ng account ang mga potah para okrayin ako nang bongga. And they did it. But they didn’t win.
Eh, kasi naman, all along, tama ako sa aking opinyon tungkol sa hinahangaan nilang singer. Ayan at nag-come out in the open na. Hindi ko kinokondena ang gender preference niya, dahil hello! Lalayo pa ba, eh ako nga, ‘di ba? Hahaha!
Basta ako ay happy na for him, este… for her, dahil natagpuan na niya ang tunay na makapagpapaligaya sa kanya.
Habang ang ibang fans niyang inookray ako ay ayun, hindi matanggap ang nangyaring pagbabago sa idol nila.
Eh, ‘di sila ngayong mga bashers ang hindi maka-move, ‘di ba?
Kaya kami ngayon, ‘pag bina-bash? Block lang kami nang block.
Kahit sabihin na nilang pikon kami, hindi kami marunong tumanggap ng pang-ookray, aba eh, isipin n’yo na kung ano’ng gusto n’yong isipin, bakit ko naman kayo sasagutin eh, hindi naman tayo magkaibigan?
Kung hindi rin lang constructive criticism at alam kong gusto lang magpapansin, eh pinapansin ko naman. Sa pamamagitan ng “pamba-block”.
Bakit naman natin pahihirapan pa ang sarili natin, ‘di ba? Good vibes lang ang hanap ko at dahil hindi ko ‘yon matatagpuan sa inyo — “blocked is beautiful”.
Oh My G!
by Ogie Diaz