Daniel Padilla, tumatambay pa rin!

TAMA ANG sabi ni Enrico Santos ng Skylight Films na sister company ng Star Cinema – hindi sila Star Cinema. Iba sila kahit magkapareho ang pinagmulan nilang kumpanya.

Kaya nga pati titulo ng mga pelikula nila, one word lang. Hindi mahahaba. Kumbaga, pelikulang iba sa Star Cinema para maiba naman ang timpla ng projects nila.

May mga artista kasi na gustong mag-eksperimento sa kanilang karir. Mga pelikulang kakaiba na hindi man pelikulang tatak-Star Cinema, tipong out of the box naman ang mga obra ng director at sumulat.

Tulad sa bagong pelikula nila at pangalawa sa taong 2013, matapos ang success ng Bromance na nag-launch sa karir ni Zanjoe Marudo, ibang timpla at lasa naman ang mapapanood ng publiko.

Si Jake Cuenca na love interest ni Eugene Domingo sa Tuhog (not the sex trip film noon na pinag-uusapan namin ng Pinoy Parazzi editor na si Danilo Jaime Flores habang kumakain ng lunch sa Dolphy’s Theater before the presscon) ay hindi de-kahon ang role sa kuwento na sinulat ni Jinky Laurel at sa direksyon ng Cinemalaya award-winning director na si Veronica Velasco.

Ang trailer iba. Si Uge, si Enchong at Leo Martinez na sakay ng isang non-aircon passenger bus na minamaneho naman ni Jake nagsimula (o nagtapos ang kuwento ng pelikula).

Sa presscon, kahit medyo may kaseryosohan ang Tuhog na tungkol sa buhay, sa pag-ibig at pangarap, laugh trip naman kami dahil sa walang humpay na punchline ni Uge. Nagbaliw-baliwan na naman siya na halos lahat, tawa nang tawa tulad sa karakter niya bilang si Fiesta na pinagsukluban ng tadhana na matatawa ka sa mga sitwasyon niya bilang anak ni Noel Trinidad na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay sama ng loob ang kinakain sa almusal hanggang midnight snack na nakatagpo ng pag-ibig kay Jake.

Kuwento nga ni Jake sa amin, sexy siya sa pelikula na dapat abangan ng publiko. May love scene sila ni Uge na medyo “HOT!”.

Sa trailer, I find Tuhog interesting. Lalo na ang role ni Enchong na nire-reserba ang kanyang virginity para sa kanyang girlfriend, at sa kuwento ni Leo na natagpuan ang kasiyahan sa buhay nang maging panadero sa huling pilas ng kanyang buhay.

Interesting sa sa amin ang Tuhog (showing sa July 17) kahit hindi pa namin napapanood ang kabuunan ng pelikula at ang basehan namin ay ang trailer pa lang.

NILINAW NG publicist ni Daniel Padilla na hindi umiinom ang teen idol.

Kung walang taping para sa bagong teleserye nila ni Kathryn Bernardo na Got to Believe ng Kapamilya Network na magsisimula na ngayong buwan, asahan mo na tambay lang sila ng mga kaibigan at bandmates sa haybols nila.

Basketball ang hilig ng pop idol. Pagdating galing trabaho o kung saan man, ang gagawin daw nito ay mag-basketball shooting.

Walang bisyo si Daniel, ayon sa kuwento ng publicist niya sa amin.

Anyway, sa bagong Primetime Bida serye ng binata, iba ang look ni Daniel. Hindi na K-Pop na long bangs na halos takip na ang mata at mukha na hindi mo na makita ang kaguwapuhan niya.

Sa bagong haybols na pinatatayo niya para sa kanyang pamilya sa may Don Antonio Heights sa may bandang Commonwealth sa Kyusi, naglaan ng espasyo ang mother dear niya na si Karla na puwedeng gawing basketball court para sa anak kung saka-sakali.

BLIND ITEM: Kawawa naman ‘yong US-based na Pinoy financier na naglabas ng almost US$20,000 (around 1 million pesos) para ipa-line produce ang isang pelikula na ipinagkatiwala niya sa isang “kaibigan” na aktres.

More than a year na ‘yong supposed to be movie project na wala pa rin progress report ang aktres na napabalitang sinunog na nito ang puhunan ng proyekto na as of this writing ay deadma ang aktres sa demand letter ng lawyer ng financier.

May letters “Z” at “L” sa kabuunan ng pangalan ng B.I. namin.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleRitz Azul, type maging dyowa kahit sino kina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga
Next articleRichard Gutierrez: Si Sarah (Lahbati) ang boss ng puso ko!

No posts to display