HOW TRUE na crush ng Teen King na si Daniel Padilla si Maine Mendoza aka Yaya Dub, at ang tiyuhin/tiyahin na si BB Gandanghari ang nagbuko.
Sa mismong Twitter account ni Yaya Dub nag-message si BB at sinabi nitong pinatatanong ni Daniel ang real name ni Yaya Dub: “@ImBbGandanghari: Hi @mainedcm! My nephew Daniel admire you a lot in fact he’s really the one who asked for your real name hahaha we’re fan.”
Mukhang pati ang Teen King ay nabighani na rin at naging instant fan ni Yaya Dub. Ano naman kaya ang magiging reaksiyon dito ng mga loyal supporters ng Kathniel? ‘Yun na!
Kurt Ong, nanatiling kaibigan si Vice Ganda matapos ang kontrobersiya sa kanila
NAKAPANAYAM NAMIN ang Mr. Chinatown 2014 at bagong endorser ng Headway Vera Salon na si Kurt Ong, through owner Sir Mikhail Hirang, at ito mismo ang nagpatunay na hindi naapektuhan ang friendship nila ni Vice Ganda nang pilit na i-link silang dalawa ilang buwan na ang nakalipas.
Ayon nga kay Kurt, “Hindi naman naging issue ‘yun sa amin. ‘Di ko na lang pinansin kasi kaibigan naman namin siya. Alam naman namin na hindi totoo at kaibigan ko lang siya, kaya walang issue. Close siya sa Mommy ko at family friend namin siya, kaya hindi talaga naging issue.
“Pero medyo matagal-tagal na hindi kami nakapag-uusap, medyo busy ako sa school and siguro busy rin siya. Basta hindi na namin ‘u
er nilayun napag-uusapan.”
Nakasama raw si Kurt bilang isa sa ‘mean boys’ sa My Kung Fu Chinito sa ABS-CBN kasama ni Enchong Dee. At habang naghihintay ng panibagong proyekto sa Kapamilya Network, busy ito sa kanyang pag-aaral sa La Salle Taft sa kursong Business Management.
Muffet, bitbit sa Maynila ang pangarap na maging singer
MULA SA Iligan sa Mindanao, lumuwas ng Maynila si Mariefel Tan aka Muffet, bitbit ang pangarap na maging isang mahusay na mang-aawit.
Mula sa pagiging lounge singer sa mga five-star hotel like Dusit Thani Hotel, Makati Shangri- La Hotel, at iba pa, na-discover ito ng isang foreign artist na ngayon ay tumatayong producer ng kanyang album na si Mr. Sheldon Geringer.
Tsika nga ni Muffet sa launching ng kanyang first album entitled “MUSIC (Magandang Umaga Sun Is Coming)” na ginanap sa Hardrock Cafe last Aug. 16, 2015 kaugnay sa kanyang genre, “I want it soul, soul music. I want ballad, kasi du’n nailalabas ko ang damdamin ko.
“Ganu’n ako kumanta, may times na kapag kumakanta ako, umiiyak. Kasi nailalabas ko ‘yung nilalaman ng puso ko. Nandu’n kasi talaga ang puso ko sa ballad.
“Like ‘yung mga songs ko sa album na mula sa komposisyon ng aking producer na si Sir Geringer at Sir Vehnee Saturno “MUSIC ” na kanyang carier single, “Meteor”, “Akin Lamang”, “Make You Mine”, “Race Car”, “Lahat Ikaw”, “Bad Tonight”, “Where Is Our Happiness”, at “Huwag Kang Lalayo”. Lahat ‘yun, magagandang kanta, lahat may puso.” Pagtatapos ni Muffet.
John’s Point
by John Fontanilla