RAMDAM NA ni Daniel Padilla ang kasikatang tinatamasa niya sa ngayon. Marami siyang mga pangarap para sa kanyang pamilya na gusto nitong matupad. Maipagpatayo ng sariling bahay ang Inang si Karla Estrada at mga kapatid sa Tivoli Royal, Fairview na malapit sa bahay ni Direk Wenn Deramas. Matalik na magkaibigan sina Direk at Ina ni DJ kaya naging malapit ito sa kanyang mapagmahal na Nanay noong nabubuhay pa ito.
Naikuwento ni Direk Wenn ang mga pangarap ni Daniel noon kung sakaling palarin siyang sumikat bilang artista. Magkaroon sila ng sariling bahay. Mapagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid at mabigyan ng magandang buhay ang mga ito. Kahit medyo nakaluluwag na sila sa buhay dahil sa dami ngayon ng endorsement ni Daniel, itinatabi ni Karla sa bangko ang kinikita nito.
Hindi raw maluho si Daniel, kung ano lang ang kailangan, ‘yun lang ang bibilhin. Maging ang kama raw nitong luma ay ‘yun pa rin kahit may kaliitan na para sa kanya, hindi pa rin napapalitan, ayon kay Mommy Karla. Katuwiran ni DJ, puwede pa naman daw tulugan bakit kailangang palitan ?
Unti-unti na ngang natutupad ni Daniel ang kanyang mga panga-rap kaya’t taos puso siyang nagpapasalamat sa mga fans sa suportang ibinibigay nila sa kanilang idolo.
TULOY NA ang pagpapa-stem cell treatment ni Sen. Bong Revilla para tuluyan nang mawala ang kanyang migraine. Madalas kasi kapag ina-atake siya ng migraine isinusugod siya sa hospital dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman niya. Kailangan nga lang ayusin nito ang kanyang taping schedule sa pantaseryeng Indio at Kap’s Amazing Story para maisaayos na ang lahat.
Maraming artista at politician na ang nagpa-stem cell at nakita agad nila ang malaking pagbabago sa kanilang physical appearance at body condition. Ang mag-amang Joseph Estrada at Sen. Jinggoy Estrada ay nagmukhang bata sa pamamagitan ng stem cell. Si Joey Marquez, nalinis ang kanyang internal organ. Maging si Alma Moreno, hindi na sinusumpong ng sakit niya multiple sclerosis simula nang magpa-stem cell siya.
Sa totoo lang, lalong nagiging
exciting ang bawat episode ng panteserye ni Sen. Bong. Mabilis ang takbo ng istorya, maraming nangyayari sa bawat eksena. Kapansin-pansin ang naiibang acting na ipinapakita ng actor/politician. Maging sina Michael de Mesa, Jackie Lou Blanco, Jennylyn Mercado ay outstanding din ang kanilang performance as an actor.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield