NA-BREAK NA ANG 30’s rating barrier ng Dapat Ka Bang Mahalin.
Sa wakas, nangyari na rin ang matagal na naming hinihintay for a Sine-novela sa Drama-Rama Sa Hapon ng GMA, ang may makaabot ng 30’s rating for an afternoon soap. It was the phenomenal first pairing of Kris Bernal and Aljur Abrenica na Dapat Ka Bang Mahalin under the direction of Maryo J. Delos Reyes ang nakagawa nito last Thursday. The soap got an outstanding 32.4 % that afternoon at sinusundan naman ito ng Paano Ba Ang Mangarap nina Jennylyn Mercado and Mark Herras na nag-25.9 %.
How high is that number? Kinabog ng ratings ng Dapat Ka Bang Mahalin ang lahat ng primetime soaps ng ABS that night from May Bukas Pa to Only You to Tayong Dalawa pati na rin ang SNN. No wonder, pinag-uusapan na ang follow-up soap nina Aljur and Kris at pang-primetime na. Bukod diyan, ipo-produce na rin sila ni Mother Lily Monteverde of Regal Films sa direction pa rin ni Maryo J. at sa Bohol ito gagawin.
This is, of course, based on the official ratings provider, AGB Nielsen.
by Dinno Erece