IGINIGIIT LAGI ng bansang Hong Kong ang pagbibigay natin ng apology sa nangyaring hostage tragedy noon sa Maynila. Alam din nating masakit ang nangyari sa kanilang mga mahal sa buhay at ‘andoon naman ang simpatiya natin sa mga naulila.
Sana walang halong pulitika ito na mukhang ang talagang sentro ng atensyon ay ang ating pangulo. Pinalalabas nilang kasalanan nating lahat ng ating bansa. Sino ba naman may gusto na ang mga turistang Hong Kong national ay mga mamatay dahil sa kapabayaan natin.
Ginawa naman ng ating bansa ang tamang proseso, at ang nasabing hostage-taking ay kagagawan din lang naman ng isang tao na naburyong ang ulo. Ako ay pabor na hindi na kailangang gawin pa ito ni PNoy dahil ano man mangyari, siya ang nakaluklok na pangulo ng ating bansa at hindi ito magiging mukhang katuwa-tuwa sa paningin nila. Samantalang hindi rin ako naniniwalang seryoso ang mga ito.
Mahirap mang isipin ang Hong Kong ay nasa teritoyo na ng China, isa kaya itong taktika nila upang magkaroon sila ng rason sa talagang tunay na pakay nila? Ito ay makaluma, isang classical tactics para mag-invade ng mga teritoryo.
Naririto ang bahagi ng ating nakalap kung ito man ay totoo o hindi ngunit ‘di kaya kahina-hinala ito? Sa aking pagsusuri, malaki ang kanilang pagnanasa na pagtatayo ng mga istraktura sa nasabing disputed islands sa ating West Philippine Sea at nasasakop ng ating teritorial waters. Dito marahil kaya ang pagnanasa nilang kunin ang inaangkin nilang teritoryo ay dahil sa mina ng langis?
Handa silang makipadigma dahil dito. Dahilan mas malaki ang kanilang pangangailangan na konsumo ng langis sa buong daigdig upang tugunan ang kanilang malaking populasyon. Ang sinasabing disputed islands ay mayaman umano sa langis na maaring makuha rito na sa tantiya pa lamang ay umaabot ng 28 to 213 billion barrel of oil at hinihinalang maaaring pinakamalaking deposito ng langis sa buong planeta.
May na mga lumalabas pang balita na ‘andito ang deposito ng mina ng mga nasabing yaman ng buong mundo. Ang nasabing disputed islands ay kine-claim ng mga bansang Taiwan, Brunei, Malaysia, Vietnam, China at tayo. Dahil ayon sa source, wala nang makuhang langis sa Canada at Africa.
Samantalang tayo namang lahat ay abala sa isyu tungkol kung papaano habulin ang mga corrupt sa kaban ng bayan. Sana maisip din ng mamamayan na maging tayo ay habang nagkakagulo ay may mga nagnanasa at nagsamantala sa ating yaman.
Pinaniwalaang sapat na raw para yumaman ang ating bansa sa mina ng langis na ito na nangangahulugang tingnan tayo at kilalanin ng buong daigdig. Dapat nga lamang na bantayan nating mga mamamayan at ng ating sandatahang lakas naman ay dapat laging handa sa pagtatanggol sa ating mga interes at likas na yaman.
TAYO AY manalangin sa ating kaligtasan sa darating na super bagyo dahil ayon sa impormasyon ay mas malaki ito sa ating bansa. Dapat lamang na bago dumating ito ay maghanda na tayo, maging ang mga departamento ng ating gobyerno at mga sangay nito. Ito po ang mga sangay ng ating pamahalaan na nangangalaga at naatasang kumilos sa mga panahon ng sakuna: The National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) or formerly called National Disaster Coordinating Council (NDCC) is an agency of the Philippine government under the Department of National Defense. Chairperson – Secretary of Department of National Defense; Vice-Chairperson for Disaster Preparedness – Secretary of Interior and Local Government; Vice-Chairperson for Disaster Response – Secretary of Department of Social Welfare and Development; Vice-Chairperson for Disaster Prevention and Mitigation – Secretary of the Department of Science and Technology; Vice-Chairperson for Disaster Rehabilitation and Recovery – Director-General of the National Economic Development Authority
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions, e-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia