HOT TOPIC ang diumano’y pagwawala ni Tony Labrusca sa harap ng immigration officer sa NAIA nang dumating siya galing Canada kasama ang MYX VJ na si Alex Diaz dahil imbes 1-year ang bigay sa kanyang visa upon entry sa bansa tulad marahil sa nakasanayan niya ay 30 days lang siya permitted to stay in the Philippines.
Dahil turista ang estado niya (US Passport holder si Tony) kahit both parents niya ay mga Filipinos, ang immigration law ay only 30 days ka lang allowed to stay lalo pa’t hindi mo kasama magulang mo.
Kung bakit naman kasi ang basic immigration law sa mga bumibisita sa bansa sa tulad niya (at sa iba pa) ay hindi pinagaaralan.
Isisi sa mga magulang niya na hindi inabisuhan ang budding actor sa mga patakaran.
Tony is making a career in local showbusiness na promising siya as an actor lalo pa’t pumatok ang kanyang online project na Glorious with Angel Aquino.
Pero may mungkahi si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyang Twitter account tungkol sa kaso ni Tony na dapat ipa-deport si Tony sa inasta niya.
Pag natuloy ang deportation, magiging aral ito sa mga dayuhan na bibisita sa Pilipinas na sundin ang immigration laws natin at umayos sa kanilang mga kilos at gawa habang naririto sila sa bansa bilang mga bisita.
Ewan ko lang kung may nag-middle man na umareglo sa kaso ni Tony. For a change, a celebrity being deported is “Real News” taliwas sa pahayag ng kanyang ina noong una na Fake News ang pagwawala ng anak.
Pero nagpaumahin na ang binata sa Immigration Officer na na-encounter niya.
“I want to extend my sincerest apology to the superior Immigration Officer (I.O.) who was on duty and I had a talk with.”
Paliwanag ni Tony sa inasal niya: “It was a long flight from Canada and while it is not a perfect excuse, I would like to start this year fresh both in my life and the people I’ve encountered with. Once again, I am deeply sorry for my reaction,” na yan ang tama at dapat lang.
Reyted K
By RK Villacorta