KALOKA ang mga baliw na mga haters at bashers ni Arjo Atayde lalo na ang mga AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na kung makapag-kuda sa social media na wala naman mga bayag at petchay, ayaw naman magpakilala ng tunay nilang identity at nakatago sa mga litrato ng aso at pusa nila na kung minsan ay walang entry sa kanilang gawa-gawang social media account ay papaano mo seseryosohin ang mga opinyon nila gayong ang tatapang na dahil mga tambay at may panahon pa para mag-create ng mga fictitious account, pinagtatawan na sila.
Mula ng maging close sina Arjo at Maine habang ginagawa nila ang MMFF 2018 movie with Coco Martin at Bossing Vic Sotto, naging close na ang dalawa lalo pa’t inamin ng dalaga na nasa stage na “getting to know” sila ni Arjo which is a good sign para maging makatotohanan na ang nasimulan nilang friendship on a personal level.
Sa recent media conference ni Arjo for the movie “TOL” ng Reality Entertainment, inamin na rin sa wakas ng aktor na “Exclusively Dating” sila ni Maine na lalong ikinakukulo ng dugo ng mga hibang na mga AlDub fans na nagi-ilusyon na ang showbiz loveteam ng mga idols nila ay maging makatotohanan na waley naman talaga sa simula pa lang.
Pero si Arjo deadma sa mga online bashing sa kanya, kay Maine at sa pamilya niya. Wa react ang disenteng si Elai Sarmineto (of The General’s Daughter) at si Lando (of ‘TOL) sa mga kuda ng mga walang saysay na mga fans.
Unless sabihin ng mga bashers na walang mga petchay at yagbols sa kanya ng face to face ang mga pambabatikos nila sa aktor na below the belt na, malamang ay makakatikim ng upak mula sa aktor ang mga bobong nagtatapang-tapangan lang online.
Maging ang pamilya ni Arjo nadadamay na sa away ng mga kababawan na kung minsan or kadalasan ay very faney at hindi nakakaintindi dahil sa pagiging panatiko nila pero waley naman sa paglalabas ng pera to support their idols sa mga projects ng AlDub reason kung bakit nanamlay na ang loveteam nina Alden at Maine at naungusan na ng iba.
Pero leave the negativities sa mga negative people. Let’s be happy with the positive things na nangyayari sa showbiz career ni Arjo who will be portraying a different role as a comedian.
Alam ‘nyo ba na sa panimula ng acting career ni Arjo, he always wanted to be a comedian na nauwi sa pagiging isang dramatic actor?
As Lando sa pelikula ni Direk Miko Livelo na showing na sa Wednesday, January 30 ay makakasama ni Arjo sina Ketchup Eusebio at Joross Gamboa na pag-aagawan ang ganda ni Jessy Mendiola.
Reyted K
By RK Villacorta