TULOY pa rin ang Darna project ni Jane de Leon sa 2021. Pero hindi sa pelikula kundi bilang isang TV series.
Babalik si Jane sa training at taping next year kapag okey na ang sitwasyon. Tuwang-tuwa naman ang Star Magic artist na hindi na mashe-shelve ang kanyang project.
Matatandaan na pagkatapos magsara ng ABS-CBN dahil sa franchise renewal issue ay inakala ng marami na matetengga na ang Darna ni Jane. Good ting na tuloy pa rin ito ngayon.
Sa official statement na inilabas noon ng ABS-CBN few months ago ay sinabi nilang postponed indefinitely ang Darna kahit pa 40 percent na ang nakunan dito. Pero sa Star Magic presscon recently ay ini-announce ni Cory Vidanes na tuloy na ng Darna project.
Ani Tita Cory, “Tuloy na tuloy na po ang paglipad ni Darna. At ang gaganap bilang Darna ay walang iba kundi si Ms. Jane de Leon na patuloy na nagpapakita ng sipag at determinasyon sa paghahanda sa muling paglipad ni Darna.”
Gulat na reaksyon naman ni Jane, “Hindi ko ini-expect, sinurprise nila ako. Salamat kasi nandun ang tiwala na ibigay sa akin ang bato. Blessed ako talaga. Nangingibabaw talaga sa akin ang kasiyahan, ganun. Excited ako sa darating pang chapters.”
Inamin din ni Jane na parang dumaan siya sa roller coaster ride habang hinihintay kung matutuloy ang project.
“Roller coaster na akala ko postponed. Ayoko na talaga sanang mag-expect. Ayun ang prinamis ko kay Lord na kahit na ano, na ayokong mag-expect kasi alam ko naman may mga darating na blessings.
“Yon din naman ang sinabi ko nung nag-audition ako. Na kung hindi ako makukuha rito tatanggapin ko. Na baka para sa iba ito, sa ibang artista. Pero kung para sa akin magpapasalamat ako ng marami,” wika pa niya.