SA SOLO presscon ng Beautederm para kay Darren Espanto bilang pinakabago nilang brand ambassador ay hindi tahasan ang naging pag-amin ni Darren Espanto kung totoong nakarelasyon niya ang Kapuso star na si Kyline Alcantara. Pero hindi naman niya idinenay na nagka-girlfriend na siya ng taga-showbiz.
“Opo, siyempre. It’s part of growing up din. Kyline and I are very close friends now and… Basta…basta…” matipid na reaksiyon ni Darren.
“Pero ang masasabi ko, yung mga fans, talagang very… anong tawag dito? Alam nila, eh,” natatawa niyang hirit.
Alin ang alam ng fans? Na meron silang something?
“Oo, alam nila pag meron, eh,” nakangiti pa rin niyang tugon.
Kelan ba sila naging mag-on? Sila pa rin ba hanggang ngayon?
“Sa amin nalang ’yon, sa amin nalang ’yon,” pag-iwas niya sa tanong.
“Kami ni Kyline, we’re enjoying each other’s friendship til now and I feel like it’s better that way,” pahabol niya.
Nilinaw din ng binata na wala namang nagbawal sa kung anumang meron sila ni Kyline. Okey pa rin daw sila ng dalaga kahit na lumipat ito ng GMA-7 at umalis na sa ABS-CBN.
“I feel like… kasi when you’re a kid you don’t really know what you really want yet in life? And I feel like it’s better for me and for everyone that I’ve dated in the past… Kasi mas matured na kami ngayon. Mas alam na namin kung ano’ng gusto namin and yon,” lahad pa niya.
Katulad ng typical Pinoy guy, kasama sa nililigawan ni Darren ang parents ng babaing gusto niyang maging girlfriend.
“Para sa akin, naniniwala din ako doon, na dapat yung parents po ang unang nililigawan and the especially yung mom kasi they know best,” deklara pa ni Darren.
Naniniwala din si Darren na mas mahalaga magsimula muna sa friendship ang romantic involvement ng isang couple para may mas matibay na foundation.
“Para po sa akin, I feel like it’s better talaga that you start off as friends. Hindi yung natipuhan mo lang kaya liligawan mo. Kasi parang after n’yong mag-break, wala kayong ano, walang foundation. Kasi nothing was there before it.
“So, I feel like yon nga po, it’s better to start it of as friends. Tapos, pag nagustuhan mo na talaga siya, don ka mag- start courting her. And yon nga po, start courting her parents,” pahayag ng dating The Voice Kids first runner-up.